Noong unang panahon, may isang masayang mag-anak.
很久很久以前,有一家人快乐地生活在一起。
Pawang mga lalaki ang mga anak at hindi sila kailanman nag-aaway. Tinutulungan nila ang kanilang magulang sa bukid at sa gawaing-bahay.
孩子们从来不打架,还帮助爸爸妈妈做家务,干农活。
Malaya nilang nagagawa ang anuman, maliban sa isang bagay. Hindi sila maaaring lumapit sa apoy.
但是他们不能靠近火焰。
Sa gabi lamang sila nagtatrabaho dahil sila ay mga sera!
没办法,他们只能在晚上工作,因为他们都是用蜡做的!
Ngunit pinangarap ng isa na makita ang araw.
但是其中一个男孩非常想出门,他想走到太阳底下看看。
Isang umaga, hindi niya nalabanan ang matinding pag-aasam. Pinigilan siya ng kanyang mga kapatid…
有一天,这种渴望太强烈了。虽然他的兄弟们警告过他……
Subalit huli na ang lahat! Siya ay nalusaw na ng mainit na araw.
但是太晚了!他在太阳底下融化了。
Labis na nalungkot ang mga batang sera sa nakitang dinanas ng kapatid.
其他蜡做的孩子看到他们的兄弟融化消失了,非常伤心。
Kaya gumawa sila ng paraan upang matupad ang kanyang pangarap. Sama sama nilang hinubog ang serang labi ng kapatid at ginawa itong ibon.
但是他们想出了一个好主意:他们把熔化的蜡块捏成了一只鸟。
Dinala nila ang ibon sa tuktok ng bundok.
他们把变成鸟的兄弟带到了一座高山上。
At sabay ng pagsikat ng araw, lumipad ang ibon tungo sa liwanag ng araw, na may awit na taglay.
太阳升起来了,他迎着晨光唱着歌,飞走了。