Mabubuting magkakaibigan sina Kambing, si Aso, at si Baka. Isang araw, naglakbay sila sa isang taksi.
山羊、野狗、和水牛是很要好的朋友。有一天,他们一起坐出租车。
Nang matapos ang paglalakbay nila, pinagbayad ng drayber ang mga ito. Nagbayad si Baka.
当他们到了目的地的时候,司机叫他们交车费。水牛把她自己的那份交了。
May sukli si Aso dahil hindi eksakto ang binayad niya.
野狗没有带零钱,所以他就多给了一点儿。
Ibibigay na sana ng drayber ang sukli ni Aso nang tumakbo si Kambing nang hindi nagbabayad.
司机正要找钱给野狗,没想到山羊没有给钱就跑掉了。
Nainis ang drayber. Nagmaneho siya paalis nang hindi binibigay ang sukli ni Aso.
司机很生气,结果他没有给野狗找钱就开走了。
Iyan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, tumatakbo si Aso papunta sa kotse para silipin at hanapin ang drayber na may utang sa kanya.
所以,现在你可以看到野狗看到车子就拼命追上去,因为他想叫司机给他找钱。
Tinatakbuhan ni Kambing ang tunog ng kotse. Natatakot siyang ma-aresto dahil hindi siya nagbayad.
山羊呢,一听到有车来就吓得赶快逃走,因为她怕没交车费被人抓起来。
At si Baka ay hindi naaabala kapag may sasakyang dumarating. Hindi siya nagmamadali sa pagtawid dahil alam niyang buo ang binayad niyang pamasahe.
可是水牛听到车来一点儿都不急。她不慌不忙地过马路,因为她知道她已经把她自己那份交了。