Isang araw, naglalakad si Kuneho sa may tabing-ilog.
어느 날, 한 토끼가 강가를 걷고 있었어요.
Nandoon din si Hipo, namamasyal at kumakain ng masarap na luntiang damo.
그 강가에는 하마도 있었는데, 하마는 산책을 하며 상쾌하고 푸른 풀을 먹고 있었어요.
Hindi napansin ni Hipo na nandoon si Kuneho at aksidente niyang natapakan ang paa nito. Napatili si Kuneho at sinigawan si Hipo, “Hoy ikaw, Hipo! Hindi mo ba nakitang inapakan mo ang paa ko?”
하마는 토끼가 자기 옆에 있다는것을 모르고 토끼의 발을 밟아 버렸어요. 토끼는 비명을 질렀고 하마에게 소리쳤어요, “야 이 하마야! 너 지금 내 발 밟고 있는거 안보여?”
Humingi ng paumanhin si Hipo kay Kuneho. “Pasensiya ka na, kaibigan. Hindi kita nakita. Sana mapatawad mo ako!” Ngunit hindi ito pinakinggan ni Kuneho at sinigawan niya si Hipo. “Sinadya mo ‘yan! Magbabayad ka balang araw! Makikita mo!”
하마는 토끼에게 사과했어요, “정말 미안해, 친구야. 너를 못봤어. 제발 용서해줘!” 하지만 토끼는 하마의 말을 듣지 않고 계속 소리쳤어요, “너 일부러 그랬잖아! 두고봐, 너도 언젠간 똑같이 당할거야!”
Pagkatapos, hinanap ni Kuneho si Apoy at sinabi, “Sunugin mo si Hipo kapag umahon siya sa ilog para kumain ng damo. Inapakan niya ako!” Sagot ni Apoy, “Walang problema, kaibigang Kuneho. Susundin ko ang pakiusap mo.”
그러고는 토끼가 불에게 다가가 말했어요, “저 하마가 풀을 먹으려고 물에서 나오면 불로 태워줘. 쟤가 나 밟았어!” 불이 대답했어요, “그래! 내 친구 토끼야. 너가 하라는 대로 할께.”
Maya-maya, kumakain si Hipo ng damo malayo sa ilog nang “whoosh!” Nagliyab si Apoy. Unti-unting sinunog ng alab ang buhok ni Hipo.
잠시후, 하마는 강가에서 멀리 떨어진 곳에서 풀을 먹고 있었는데, 갑자기 불이 났어요. 그 불꽃이 하마한테 붙어서 하마의 털을 태우기 시작했죠.
Napaiyak si Hipo at tumakbo siya pabalik sa ilog. Nasunog lahat ng buhok niya. Iyak ni Hipo, “Nasunog ang buhok ko! Sinunog mo ang buhok ko! Wala na ang buhok ko! Ang maganda, ang napakaganda kong buhok!”
하마는 울음을 터뜨렸고 물가로 뛰어 갔어요. 하마의 모든 털이 불에 타 버렸어요. 하마는 울음을 멈추지 못했어요, “내 털이 불에 다 타버렸어! 너가 내 털을 다 태워버렸어! 내 털들이 다 사라졌어! 내 아름답고 아름다운 털이!”
Natuwa ang kuneho nang masunog ang buhok ni Hipo. At hanggang ngayon, dahil sa takot sa apoy, ang hipo ay hindi na malalayo sa tubig kailanman.
토끼는 하마의 머리가 타서 좋았어요. 그래서 지금까지도 하마는 불이 두려워서 물밖으로 잘 나오지 않는 거래요.