Download PDF
Back to stories list

Kausap ni Khalai ang halaman 칼라이는 식물에게 말해요

Written by Ursula Nafula

Illustrated by Jesse Pietersen

Translated by Arlene Avila

Read by La Trinidad Mina

Language Tagalog

Level Level 2

Narrate full story

Reading speed

Autoplay story


Ito si Khalai. Pitong taong gulang siya. Sa Lubukusu, “mabuti” ang kahulugan ng pangalan niya.

여긴 칼라이에요. 그녀는 일곱살이죠. 그녀의 이름은 그녀의 말 루북수로 “좋은 아이” 라는 뜻 이에요.


Kinakausap ni Khalai ang puno ng dalandan, “Dalandan, pasuyo naman, sana magkaroon ka ng marami at malalaking prutas.”

칼라이는 일어나서 오렌지 나무에게 말해요. “오렌지 나무야, 크게 자라서 우리에게 많은 잘 익은 오렌지를 주렴.”


Naglalakad si Khalai papunta sa iskul. Nadadaanan niya ang damo, “Sana naman damo, lalo pang tumingkad ang berdeng kulay mo at ‘wag na ‘wag kang matutuyo.”

칼라이는 학교로 걸어가요. 가는 길에 풀에게 말해요. “풀아, 더 초록색으로 자라고 마르지 말렴.”


Napapansin din ni Khalai ang mga ligaw na bulaklak, “Tuloy niyo lang ang pamulaklak, para meron akong pampaganda ng buhok.”

칼라이는 야생화를 지나쳐가요. “꽃들아, 계속해서 피어나서 너희를 내 머리에 꽂을 수 있게 해주렴.”


Kinakausap din ni Khalai ang puno sa gitna ng iskul, “Plis naman, malaking puno, palaguin mo pa mga sanga para sa lilim mo kami ay makapagbasa.”

학교에서, 칼라이는 단지 중앙의 나무에게 말해요. “나무야, 큰 가지를 뻗어서 우리가 네 그늘 아래서 읽을 수 있게 해주렴.”


May nasasabi rin si Khalai sa mga halamang-bakod, “Magpakatibay kayo, pigilin ninyong makapasok ang masasamang tao.”

칼라이는 학교를 둘러싼 생울타리에게 말해요. “강하게 자라서 나쁜 사람들이 들어오는 걸 막아주렴.”


Pagkauwi, pinupuntahan agad ni Khalai ang dalandan, “Hinog na ba mga bunga?”

칼라이가 학교에서 집으로 돌아올 때, 오렌지 나무에게 들려요. “네 오렌지는 아직 익었니?” 칼라이가 물어요.


“Hay naku, hilaw pa rin pala. Bukas uli ha, dalandan. Pagbibigyan kita at baka meron ng hinog, kahit isa!”

“오렌지가 아직 초록빛이구나,” 칼라이가 한숨을 쉬어요. “내일 보자, 오렌지 나무야.” 칼라이가 말해요. “어쩌면 그 때는 네가 날 위해 잘 익은 오렌지를 가지고 있을 수 있겠지!”


Written by: Ursula Nafula
Illustrated by: Jesse Pietersen
Translated by: Arlene Avila
Read by: La Trinidad Mina
Language: Tagalog
Level: Level 2
Source: Khalai talks to plants from African Storybook
Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.
Options
Back to stories list Download PDF