Back to stories list
Maraming problema ang aming nayon. Mahaba ang pila sa pag-igib ng tubig kasi iisa lang ang gripo.
우리 마을은 많은 문제가 있어요. 우린 길게 줄을 서서 하나의 수도꼭지에서 물을 받아요.
Naghihintay lang kami ng pagkaing donasyon galing sa iba.
우린 다른 이들이 음식을 기부하길 기다렸어요.
Maaga kaming nagsasara ng bahay dahil may magnanakaw.
우린 도둑들 때문에 집들을 일찍 잠궜어요.
Maraming bata ang tumitigil sa pag-aaral.
많은 아이들이 학교를 빠졌어요.
Pumapasok naman bilang katulong ang mga dalaga sa ibang nayon.
어린 여자아이들은 다른 마을들에서 가정부로 일했어요.
May mga binatang istambay at pagala-gala habang tumutulong ang iba sa bukid.
어린 남자아이들은 다른 이들이 농장에서 일할 때 다른 마을에서 떠돌아다녔어요.
Kumakalat ang basura kung saan-saan kapag malakas ang hangin.
바람이 불었을 때, 쓰레기 종이가 나무와 울타리에 걸렸어요.
Nasusugatan ang ilan dahil sa bubog na tinapon na lang basta.
사람들은 마구 버린 깨진 유리에 베였어요.
Isang araw, nawalan ng tubig ang gripo at hindi kami nakapag-igib.
그러나 어느 날, 수도꼭지가 마르고 우리의 통들이 비었어요.
Pinuntahan ni tatay ang bawat isa sa kanilang bahay para tawagin ang isang pulong.
우리 아버지는 집집마다 돌아다니시며 마을 회의에 참석하라고 부탁했어요.
Nagtipon ang mga tao sa ilalim ng malaking puno.
사람들은 큰 나무 아래에 모여서 들었어요.
Tumayo si tatay sa harap, “Kailangan nating magtulong-tulong para malutas ang mga problema.”
우리 아버지가 일어나서 “우리는 우리의 문제들을 풀기 위해 일해야 합니다.” 라고 말씀하셨어요.
“Tutulong akong maglinis,” sigaw ng walong taon na si Juma habang nakaupo sa putol na puno.
나무에 앉아있던 여덟살의 주마가 외쳤어요, “전 치우는 걸 도울 수 있어요.”
“Magtatanim kaming mga babae ng makakain,” sabi ng isang ale.
한 여자가 말했어요, “여자들은 날 따라 음식을 기를 수 있어요.”
“Maghuhukay kaming mga lalaki para makahanap ng balon,” sabi naman ng isang mama.
또다른 남자가 일어나 말했어요, “남자들은 우물을 팔 거에요.”
“Magbabagong buhay tayo,” sigaw naming lahat. Iyon nga ang aming ginawa.
우린 모두 한 목소리로 외쳤어요, “우리는 우리의 삶을 바꿔야 해.” 그 날로부터 우리는 우리의 문제를 풀기 위해 같이 일했어요.
Written by: Ursula Nafula
Illustrated by: Vusi Malindi
Translated by: Arlene Avila
Read by: La Trinidad Mina