下载 PDF
返回故事列表

Batang Asno 驴孩子

作者 Lindiwe Matshikiza

插图 Meghan Judge

译文 Karla Comanda

配音 La Trinidad Mina

语言 菲律宾语

级别 3级

将整故事念出来

播放速度

自动念故事


Isang batang babae ang unang nakakita ng kakaibang hugis mula sa malayo.

有个女孩最先发现了远处有个奇怪的身影。


Habang papalapit nang papalapit ang hugis, nakita niyang isa itong babaeng nagdadalang-tao.

那个身影越靠越近,她看清楚了,那是一个快生孩子的妇女。


Mahiyain pero matapang, lumapit ang batang babae sa babaeng nagdadalang-tao. “Kailangan natin siyang panatilihin dito,” napagdesisyunan ng mga kababayan ng batang babae. “Aalagaan natin ang ina at anak.”

女孩有点儿害羞,但她还是勇敢地走上前去。和女孩随行的人们说:“我们必须和她呆在一起,我们必须保护她和她的孩子。”


Sa madaling panahon ay lumabas din ang bata. “Tulak pa!” “Kumot!” “Tubig!” “Kaunti na laaaaannnnnggg!”

孩子很快就要降生了。“用力啊!”“快拿毯子来!”“水!”“再用点力!”


Ngunit nasindak ang lahat nang lumabas ang sanggol. “Isang asno?!”

当他们看到孩子时,所有人都吓了一跳,“一头驴?”


Nagsimulang mag-away ang lahat, “Sinabi nating aalagaan natin ang ang ina at anak, at iyon ang gagawin natin,” sabi ng iba. “Pero magdadala ito ng kamalasan sa atin!” sabi ng iba.

大家七嘴八舌吵起来。一些人说:“我们说过要保护母亲和孩子的,我们必须这样做。”但是还有一些人反驳说:“但是他们会给我们带来厄运。”


At muli ay mag-isa na naman ang babae. Inisip niya kung ano ang gagawin sa kanyang bardagol na anak. Inisip niya kung ano ang gagawin sa sarili niya.

妇女发现自己又孤零零一人了。她不知道该拿这个奇怪的孩子怎么办,她也不知道自己该怎么办。


Pero sa huli ay tinanggap niya na anak niya ang asno at siya ang ina nito.

最后,她决定接受这个孩子,做他的妈妈。


Ngayon, kung hindi nagbago ang batang ito at nanatiling maliit, marahil ay iba ang lahat. Pero lumaki nang lumaki ang batang asno hanggang sa hindi na ito makarga sa likod ng kanyang ina. At kahit anong gawin niya, hindi nito kayang magpakatao. Madalas ay nararamdaman ng kanyang ina ang kapaguran at pagkabigo. Minsan ay pinagagawa niya rito ang mga gawaing pang-hayop.

如果这个孩子一直这般大小,不长大的话,一切都会变得不一样。但是这个驴孩子越长越大,现在他再也不能趴在妈妈的背上。无论他多么努力,他始终不能像人类一样。他的妈妈累了,放弃了。有时候,她让他做一些动物会做的工作。


Unti-unting umiral ang pagkalito at galit kay Asno. Hindi siya puwedeng gumawa ng ganito at ganyan. Hindi siya puwedeng maging ganito at ganyan. Isang araw, tinadyakan niya ang kanyang ina sa sobrang galit.

驴孩子感到迷茫,也很生气。他这个也不能做,那个也不能做。他不能这样,也不能那样。有一天,他太生气了,一脚把他的妈妈踹到地上。


Nakaramdam ng pagkahiya si Asno. Tumakbo siya ng napakabilis para tumakas.

驴孩子羞愧极了,他逃跑了,跑得越远越好。


Gabi na nang tumigil siya sa pagktakbo, at nawala siya. “Hi haw?” bulong niya sa kadiliman. “Hi Haw?” ulyaw nito. Mag-isa siya. Niyakap niya ang sarili niya na parang bolang mahigpit, at nakatulog siya ng mahimbing at maligalig.

当他停下来的时候,天已经黑了,驴孩子迷路了。他在黑暗里哼哼,“咴咴”,黑暗中传来了回声,“咴咴”。他孤零零的一个人,卷成了一团,心中充满烦恼,沉沉地睡去。


Nagising si Asno at nakita ang isang kakaibang matandang lalake na nakatitig sa kanya. Tumingin siya sa mga mata nito at nakaramdam ng pag-asa.

驴孩子醒了,他发现有个老人低头盯着他。他看着老人的眼睛,感觉到了一丝希望。


Nakituloy si Asno sa matandang lalake na siyang nagturo sa kanya ng iba’t ibang paraan para mamuhay. Nakinig at natuto si Asno, at gayundin naman ang matandang lalake. Nagtulungan sila, at nagtawanan sila.

驴孩子和老人住在一起,老人教会他很多生存的本领。驴孩子认真地听着,学得很快。老人也学了很多。他们互相帮助,遇到开心的事情就一起哈哈大笑。


Isang umaga, nakiusap ang matandang lalake na dalhin siya ni Asno sa tuktok ng isang bundok.

一天早上,老人让驴孩子带他到山顶。


Nakatulog sila sa itaas ng bundok, kapantay ang mga ulap. Napanaginipan ni Asno na may sakit ang kanyang ina at nananawagan ito. At nang magising siya…

他们登上山顶,环绕在云雾中,睡着了。驴孩子梦到他的妈妈生病了,正在呼唤他,然后他就醒了……


…nawala na ang mga ulap kasama ng kanyang kaibigan, ang matandang lalake.

……云雾消失了,他的朋友——那个老人——也消失了。


Alam na ni Asno kung ano ang dapat gawin.

驴孩子终于知道要做什么了。


Nakita ni Asno ang kanyang ina, nag-iisa at nagluluksa para kanyang nawawalang anak. Matagal silang tumitig sa isa’t isa. At pagkatapos ay nagyakapan sila nang nakapahigpit.

驴孩子找到了他的妈妈,她孤零零一个人,正在为走失的孩子伤心。他们互相打量了很久,然后紧紧地抱在了一起。


Ang batang asno at ang kanyang ina ay tumanda nang magkasama at nakahanap ng maraming paraan para mamuhay nang magkaagapay. Unti-unting pumalagay ang mga pamilya sa paligid nila.

驴孩子和妈妈住在一起,慢慢长大,学会了如何共同生活。渐渐的,其他的家庭也搬到他们附近,住了下来。


作者: Lindiwe Matshikiza
插图: Meghan Judge
译文: Karla Comanda
配音: La Trinidad Mina
语言: 菲律宾语
级别: 3级
出处: 原文来自非洲故事书Donkey Child
共享创意授权条款
本着作系采用共享创意 署名 4.0 未本地化版本授权条款授权。
选项
返回故事列表 下载 PDF