下载 PDF
返回故事列表

Ang Inahin at ang Agila 母鸡和老鹰

作者 Ann Nduku

插图 Wiehan de Jager

译文 Karla Comanda

配音 La Trinidad Mina

语言 菲律宾语

级别 3级

将整故事念出来

播放速度

自动念故事


Noong unang panahon, magkaibigan sina Inahin at Agila. Mapayapa silang nanirahan kasama ang ibang mga ibon. Walang nakalilipad sa kanila.

很久很久以前,母鸡和老鹰是好朋友。他们和其他的鸟儿住在一起,相安无事,但是他们都不会飞。


Isang araw, nagkaroon ng tagtuyot sa nayon. Kinailangang maglakad ng malayo ni Agila. Bumalik na sobrang pagod si Agila. “Siguro naman mayroong mas madaling paraan para maglakbay,” sabi ni Agila.

有一天,他们住的地方发生了饥荒。老鹰要走很远很远的路才能找到食物。她回来的时候看起来非常疲倦。老鹰说:“这样走太累了!肯定有一种更省力的方法。”


Matapos makatulog ng mahimbing noong gabi, nagkaroon ng magandang ideya si Inahin. Nagsimula siyang mag-ipon ng mga nalaglag na pakpak sa kanilang mga kaibigang ibon. “Tahiin natin ang mga ito sa ibabaw ng mga pakpak natin,” sabi niya. “Marahil siguro ay mapapadali nito ang paglalakbay natin.”

母鸡饱饱地睡了一觉,想到了一个好主意。她开始搜集其他鸟儿掉下来的羽毛,说:“让我们把这些羽毛都缝在我们身上吧,也许这样我们走路就不吃力了。”


Tanging si Agila lang ang may karayom sa kanilang nayon, kaya nauna siyang manahi. Naghabi siya ng napakagandang pares ng mga pakpak at lumipad sa taas ni Inahin. Hiniram ni Inahin ang karayom ngunit agad siyang napagod sa pananahi. Iniwan niya ang karayom sa paminggalan at nagtungo sa kusina para maghain ng pagkain para sa kanyang mga anak.

老鹰是村庄里唯一一个有银针的,所以她第一个开始缝羽毛。她给自己做了一双非常漂亮的翅膀,做完之后,在母鸡头上飞来飞去。母鸡问老鹰借了针,但她很快就厌烦了缝纫。她把银针留在柜子上,跑到厨房里,给她的孩子做饭。


Ngunit nakita ng ibang mga ibon na lumipad palayo si Agila. Nakiusap sila kay Inahin na ipahiram sa kanila ang karayom para makapaghabi rin sila ng sarili nilang mga pakpak. ‘Di naglaon ay nagsisiliparan na rin sa langit ang ibang mga ibon.

其他的鸟儿看到老鹰飞得又高又远,非常羡慕。他们问母鸡借了银针,这样他们也可以给自己做翅膀了。过了不久,其他的鸟儿也都能上天飞翔了。


Wala si Inahin nang ibinalik ng huling ibon ang hiram na karayom. Kinuha ng mga anak niya ang karayom at pinaglaruan ito. Nang magsawa sila sa paglalaro, iniwan nila ang karayom sa buhangin.

当最后一只鸟儿归还银针的时候,母鸡不在家。她的孩子拿走了银针,玩来玩去。他们玩厌的时候,就把银针落在了沙地里。


Bumalik si Agila kinahapunan. Hinanap niya ang karayom para tagpiin ang mga balahibong lumuwag sa kanyang paglalakbay. Naghanap si Inahin sa paminggalan. Naghanap siya sa kusina. Naghanap siya sa bakuran. Pero hindi niya mahanap ang karayom.

那天下午,老鹰回来了,她问母鸡要回自己的银针,因为她要修补一些松散的羽毛。母鸡找遍了柜子、厨房和后院,都找不到银针。


“Bigyan mo ako ng isang araw,” pagmamakaawa ni Inahin kay Agila. “Pagkatapos ay puwede mo nang tagpiin ang pakpak mo para makalipad ka’t makahanap ng pagkain.” “Isang araw lang,” sabi ni Agila. “Kung hindi mo mahanap ang karayom, kailangan mong ibigay ang isa sa iyong mga sisiw bilang kabayaran.”

母鸡求老鹰:“再给我一天吧!明天你就能修补翅膀,飞着去找食物了。”老鹰说:“好,就一天。如果你找不到银针的话,你就要把一个孩子给我作为补偿。”


Nang bumalik si Agila kinabukasan, natagpuan niyang nagkukumahog sa buhangin si Inahin, pero wala ang karayom. Kaya bumulusok pababa si Agila at hinuli ang isa sa mga sisiw. Itinakas niya ito. Mula noon, sa tuwing nagpapakita si Agila, nakikita niya si Inahin na nagkukumahog sa buhangin para hanapin ang karayom.

第二天,老鹰来了,她看到母鸡正在沙地里翻来翻去,但是银针还是没有找到。老鹰从天上俯冲下来,抓了一只小鸡就飞走了。从那以后,无论老鹰什么时候出现,她都看到母鸡在沙地里找银针。


Sa tuwing pumapanaog ang anino ng pakpak ni Agila sa lupa, binabalaan ni Inahin ang kanyang mga sisiw. “Umalis kayo sa hubo at tuyong lupain.” At sagot nila, “Hindi kami mga mangmang. Tatakbo kami.”

当母鸡在地上看到老鹰的影子时,她就警告自己的孩子:“快躲起来!别呆在这空旷干燥的地上。”孩子们回答她说:“我们不是傻瓜,我们会跑的。”


作者: Ann Nduku
插图: Wiehan de Jager
译文: Karla Comanda
配音: La Trinidad Mina
语言: 菲律宾语
级别: 3级
出处: 原文来自非洲故事书Hen and Eagle
共享创意授权条款
本着作系采用共享创意 署名 3.0 未本地化版本授权条款授权。
选项
返回故事列表 下载 PDF