Magkaibigan si Manok at si Milipid. Pero lagi silang nakikipagpaligsahan sa isa’t isa. Isang araw, napagpasyahan nilang maglaro ng putbol para makita kung sino ang pinakamagaling na manlalaro.
鸡和千足虫是好朋友,但是它们又互相竞争。有一天,它们决定进行一场足球比赛,看看谁是最棒的球员。
Nagtungo sila sa putbolan at inumpisahan ang kanilang laro. Mabilis si Manok, pero mas mabilis si Milipid. Malayo ang sipa ni Manok, pero mas malayo ang sipa ni Milipid. Nag-umpisang uminit ang ulo ni Manok.
Napagpasyahan nilang maglaro ng penalty shoot-out. Nag-goalkeeper muna si Milipid. Isang gol lang ang na-iskor ni Manok. Pagkatapos, naging taya naman si Manok para depensahan ang gol.
Sinipa ni Milipid ang bola at naka-iskor siya. Dinribol ni Milipid ang bola at naka-iskor siya. Inulunan ni Milipid ang bola at naka-iskor siya. Naka-limang gol si Milipid.
Galit na galit si Manok sa kanyang pagkatalo. Pikon siyang talunan. Tinawanan ni Milipid si Manok dahil nagiinarte ang kaibigan niya.
鸡输了,它很生气。千足虫哈哈大笑,因为它的朋友输了球,就无理取闹。
Sa sobrang galit ni Manok, tinuka niya si Milipid at nilunok ito.
鸡生气极了,它张开嘴,一口把千足虫吞了下去。
Habang lumalakad pauwi si Manok, nakasalubong niya si Mama Milipid. Tanong ni Mama Milipid, “Nakita mo ba ang anak ko?” Hindi sumagot si Manok. Nag-alala si Mama Milipid.
Pagkatapos, may narinig na maliit na boses si Mama Milipid. “Tulong, Mama!” iyak ng boses. Tumingin si Mama Milipid sa paligid niya at nakinig ng mabuti. Nanggaling ang boses mula sa loob nang manok.
Sigaw ni Mama Milipid, “Anak, gamitin mo ang iyong espesyal na kapangyarihan!” Kayang gumawa ng mga milipid ng mabahong amoy at masamang lasa. Nag-umpisang sumama ang pakiramdam ni Manok.
千足虫妈妈大喊道:“快用你神奇的能力!”千足虫会产生一种很难闻的味道,会让鸡觉得很恶心。
Dumighay si Manok. Pagkatapos, lumunok at dumura siya. Pagkatapos ay bumahing at umubo siya. At umubo. Kadiri ang milipid!
鸡打了一个嗝,咕噜咕噜要吐了,又是打喷嚏又是咳嗽。千足虫太恶心了!
Umubo si Manok hanggang sa naiubo niya ang milipid na nasa kanyang sikmura. Gumapang si Mama Milipid at ang kanyang anak sa isang puno para magtago.
鸡不停地咳嗽,直到把千足虫从胃里咳了出来。千足虫妈妈和孩子赶紧爬上树,藏了起来。
Mula noon, naging magkaaway ang mga manok at mga milipid.