Noong unang panahon, walang alam ang mga tao. Hindi sila marunong magtanim, humabi at gumawa ng kasangkapan. Lahat ng karunungan ay tinago ng diyos na si Nyame sa isang palayok sa langit.
很久很久以前,人们什么都不知道。
他们不知道怎么耕田织布,也不知道怎么制造铁器。
天上的尼亚美神把世界所有的智慧都藏在一个砂锅里面。
Isang araw, naisipan ni Nyame na ibigay ang palayok ng karunungan kay Anansi. Tuwing tumitingin si Anansi sa loob ng palayok, may natututunan siyang bago! Tuwang tuwa si Anansi.
有一天,尼亚美决定把藏有智慧的砂锅交给蜘蛛神阿南西。
每当阿南西揭开砂锅往里看,他就会学到新的东西。他感到很兴奋!
Dahil madamot si Anansi, naisip niya, “Itatago ko ang palayok sa tuktok ng mataas na puno para sa akin lang ang lahat ng kaalaman!” Tinali niya ang palayok sa kanyang tiyan at nagsimulang umakyat sa puno. Pero nahirapan siya dahil tumatama ang palayok sa kanyang tuhod.
贪心的阿南西跟自己说,
“我把砂锅安放在树顶上,那样所有的智慧就都只属于我了!”
所以,他织出了一条长长的丝线,把砂锅牢牢地拴住,然后把丝线的另一端系在自己的肚子上。
他开始往那棵树上爬,
可是砂锅总是撞到他的腿,爬起来很辛苦。
Nakatingin lang pala sa kanya ang kanyang batang anak sa baba ng puno. “Mas maganda po siguro kung nakatali sa likod ang palayok,” sabi nito. Tinali ni Anansi ang palayok sa kanyang likod at madali nga siyang nakaakyat.
阿南西的儿子在树底下看到了一切。
他跟阿南西说,“把砂锅扛在背上不就容易了吗?”
于是阿南西就试着把砂锅扛在背上,果然容易很多。
Nang marating niya ang tuktok ng puno, bigla siyang natigilan. “Alam ko dapat lahat pero bakit mas matalino pa sa akin ang anak ko?” Nagalit si Anansi kaya hinagis niya ang palayok pababa.
阿南西很快就爬到树顶上。
可是他突然想到一个问题:
“拥有所有智慧的人应该是我,可是刚才我儿子居然比我还聪明!”
阿南西气得差点跳起来了,一气之下竟把砂锅扔到树下。
Nabasag ang palayok at kumalat ang mga piraso sa lupa. Kumalat din ang karunungan at nabigyan ang lahat. Ganito nalaman ng tao kung paano magsaka ng bukid, humabi ng tela, gumawa ng kasangkapan at marami pang ibang bagay na alam ng tao ngayon.
砂锅一落地就碎成小片。
砂锅碎了,所有的智慧也跑了出来,大家可以自由分享了。
就是这样,世上的人们才学会如何耕田、如何织布,如何打铁做铁器,还有所有现在人会做的一切。