Isang araw, may dalang maraming prutas si mama.
"Kelan namin iyan pwedeng kainin?" tanong namin. "Mamayang gabi," sagot ni Mama.
Pero matakaw si Rahim at hindi siya makapaghintay. Tumikim ng isa at dinagdagan pa ng marami.
"Naku! Tingnan ninyo ang ginawa ni Rahim!" sigaw ni bunso. "Matakaw si Rahim, at matigas ang ulo," sabi ko.
Galit si mama kay Rahim.
Galit din kami pero ayaw magsisi ni Rahim.
'Hindi po ba mapaparusahan si Rahim?" tanong ni bunso.
"Magsisisi ka, Rahim," banta ni Mama.
At sumama nga ang pakiramdam ni Rahim.
"Aray! Sakit ng tiyan ko," bulong niya.
Tama nga si Mama. Pinaparusahan na si Rahim ng prutas!
Humingi ng tawad si Rahim. "Hinding-hindi na ako magiging masiba," pangako niya. At pinagbigyan namin siya.
This story is brought to you by the Global African Storybook Project, an effort to translate the stories of the African Storybook Project into all the languages of the world.
You can view the original story on the ASP website here