Noong unang panahon, may isang masayang mag-anak.
Pawang mga lalaki ang mga anak at hindi sila kailanman nag-aaway. Tinutulungan nila ang kanilang magulang sa bukid at sa gawaing-bahay.
Malaya nilang nagagawa ang anuman, maliban sa isang bagay. Hindi sila maaaring lumapit sa apoy.
Sa gabi lamang sila nagtatrabaho dahil sila ay mga sera!
Ngunit pinangarap ng isa na makita ang araw.
Isang umaga, hindi niya nalabanan ang matinding pag-aasam. Pinigilan siya ng kanyang mga kapatid...
Subalit huli na ang lahat! Siya ay nalusaw na ng mainit na araw.
Labis na nalungkot ang mga batang sera sa nakitang dinanas ng kapatid.
Kaya gumawa sila ng paraan upang matupad ang kanyang pangarap. Sama sama nilang hinubog ang serang labi ng kapatid at ginawa itong ibon.
Dinala nila ang ibon sa tuktok ng bundok.
At sabay ng pagsikat ng araw, lumipad ang ibon tungo sa liwanag ng araw, na may awit na taglay.
This story is brought to you by the Global African Storybook Project, an effort to translate the stories of the African Storybook Project into all the languages of the world.
You can view the original story on the ASP website here