Paluwas sa malaking lungsod

Siksikan ang tao at punung-puno ang mga bus sa terminal. Sa labas ng bus, mas madami pang hindi naikakargang mga gamit. Sinisigaw ng mga konduktor kung saan sila papunta.

1

"Lungsod! Lungsod kayo riyan! Mga pa-kanluran, dito na!" sigaw ng isa. Doon ako dapat sumakay.

2

Halos puno na ang bus pero marami pa rin gustong sumakay. Nilagay ng iba ang bagahe sa ilalim ng bus. Ipinatong naman nung iba ang mga gamit nila sa mga lalagyan sa loob.

3

Hawak ng mga bagong pasahero ang tiket nila habang naghahanap ng upuan. Hinahanda ng mga nanay ang kanilang mga anak para sa mahabang biyahe.

4

Sumiksik ako malapit sa isang bintana. Mukhang kinakabahan ang katabi ko. Hawak niyang mahigpit ang berdeng plastic bag. Luma na ang kanyang damit at tsinelas.

5

Tumingin ako sa labas. Iiwan ko na ang aking nayon, kung saano ako lumaki. Luluwas ako papunta sa malaking lungsod.

6

Nakaupo na ang mga pasahero at naikarga na ang mga bagahe. Pero marami pa ring mga manlalako sa loob ng bus. Sinisigaw nila ang kanilang binibenta. Nakakaaliw ang mga ginagamit nilang salita.

7

May bumili ng inumin. May bumili ng kakanin at nagsimulang kumain. Tulad ko, may iba na nanood lang dahil walang pambili.

8

Napatigil ang lahat ng bumusina ang drayber. Pinalabas ng konduktor ang mga naglalako dahil aalis na ang bus.

9

Nagtulakan sila palabas. Nagsukli ang iba pero meron pa rin nagpupumilit makabenta.

10

Pagtulak ng bus, dumungaw ako sa bintana. Babalik pa kaya ako dito?

11

Habang kami ay bumibiyahe, naging maalinsangan sa loob ng bus. Pinilit kong makatulog.

12

Pero laging lumilipad ang utak ko pauwi. Magiging mabuti kaya ang kalagayan ni nanay? Mabibili kaya ang mga kuneho? Maaalala kaya ng kapatid kong diligan ang mga punla?

13

Isinaulo ko na lang ang address ng tiyo ko sa siyudad. Nakatulog akong bumubulong bulong.

14

Pagkatapos ng siyam na oras, nagising ako sa mga kalabog at sigaw ng konduktor. Nagtatawag na siya ng mga pasahero pabalik sa nayon. Tumalon ako palabas ng bus dala ang bag.

15

Mabilis na napupuno ang bus na pabalik sa nayon. Maya-maya lang tutulak na ito pa-silangan. Pero ang mas mahalaga ngayon, mahanap ko ang bahay ni tiyo.

16

Paluwas sa malaking lungsod

Text: Lesley Koyi, Ursula Nafula
Illustrations: Brian Wambi
Translation: Arlene Avila
Language: Tagalog

This story is brought to you by the Global African Storybook Project, an effort to translate the stories of the African Storybook Project into all the languages of the world.

You can view the original story on the ASP website here

Global ASP logo

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 Unported License.