Ang Tindero ng Saging na si Tom

Humphreys Odunga
Tagalog

Isang araw, pasan ni Tom ang isang kahon ng saging.

1

Dala-dala niya ito sa palengke para itinda.

2

Namimili ng prutas ang mga tao sa iba.

3

Pero walang bumibili kay Tom. Mas gusto nila ang mga babaeng tindera.

4

“Dito sa atin, babae lang ang naglalako,” sabi nila. “Anong klaseng lalaki ito?”

5

Pero hindi si Tom sumuko. “Bili na kayo ng saging! Matamis na saging kayo riyan!” sigaw niya.

6

May isang aleng lumapit kay Tom. Dinampot ang isang piling at matagal na tiningnan ang saging.

7

At saka bumili kay Tom.

8

Lumapit ang mga tao sa puwesto ni Tom. Bumili sila ng saging at kinain nila ito.

9

Mabilis na naubos ang saging. Agad binilang ni Tom ang kanyang kita.

10

Saka siya bumili ng sabon, asukal at tinapay. Nilagay niya ang mga iyon sa trey.

11

At pinasan niya ang lahat pauwi.

12

Text: Humphreys Odunga
Illustrations: Zablon Alex Nguku
Translation: Arlene Avila
Language: Tagalog

This story is brought to you by the Global African Storybook Project, an effort to translate the stories of the African Storybook Project into all the languages of the world.

You can view the original story on the ASP website here

Global ASP logo

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 Unported License.