Maliit na Binhi: Ang Kuwento ni Wangari Maathai

Sa isang nayon sa libis ng Bundok Kenya sa Silangang Africa, may isang batang babaeng nagtrabaho sa bukid kasama ng kanyang ina. Wangari ang pangalan niya.

1

Mahilig lumabas si Wangari. Sa gulayan ng kanyang pamilya, hinughog niya ang lupa gamit ang kanyang matsete. Nagpunla siya ng maliliit na buto sa mainit na lupa.

2

Ang paborito niyang panahon ay ang dapit-hapon. Alam ni Wangari na oras na para umuwi kapag masyado nang madilim para tingnan ang mga halaman. Sinusundan niya ang makipot na daan sa kabukiran at binabagtas ang ilog sa kanyang pag-uwi.

3

Matalino si Wangari at sabik siyang pumasok sa eskuwela. Ngunit nais ng ina at ama niya na manatili siya sa bahay at tulungan sila. Noong siya ay pitong taong gulang, hinikayat ng kuya niya ang kanilang mga magulang na papasukin siya sa eskuwela.

4

Mahilig siyang matuto! Dumami ng dumami ang natutunan ni Wangari sa bawat librong binasa niya. Sa sobrang husay niya sa kanyang pag-aaral, inimbitahan siyang mag-aral sa Estados Unidos ng Amerika. Nasiyahan si Wangari! Marami pa siyang gustong malaman tungkol sa mundong ginagalawan niya.

5

Maraming bagong natutunan si Wangari sa pamantasan sa Amerika. Pinag-aralan niyang husto ang mga halaman at kung paano sila lumaki. At naalala niya kung paano siya lumaki: nakipaglaro siya sa kanyang mga kuya sa ilalim ng mga puno ng magagandang kagubatan sa Kenya.

6

Habang dumarami ang kaalaman niya, mas napagtanto niya na mahal niya ang kanyang mga kababayan sa Kenya. Gusto niyang maging masaya sila at malaya. Habang dumarami ang kaalaman niya, mas naalala niya ang kanyang Aprikanong tahanan.

7

Nang matapos siya sa kanyang pag-aaral, bumalik siya sa Kenya. Ngunit nagbago na ang kanyang bayan. Dumukwang ang mga bukid sa kahabaan ng lupa. Walang panggatong para sa pagluluto ang mga kababaihan. Naghihirap ang mga tao at gutom ang mga bata.

8

Alam ni Wangari kung ano ang dapat gawin. Tinuruan niya ang mga kababaihang magtanim ng puno mula sa mga binhi. Ibinenta ng mga kababaihan ang mga puno at ginamit ang kanilang pinagkakitaan para alagaan ang kanilang pamilya. Natuwa ang mga kababaihan. Tinulungan sila ni Wangari na maging malakas at maniwala sa sarili nilang kapangyarihan.

9

Lumipas ang panahon at naging kagubatan ang mga puno, at umagos nang muli ang mga ilog. Lumaganap ang mensahe ni Wangari sa Aprika. Ngayon, milyung-milyong mga puno ang tumutubo salamat sa mga binhi ni Wangari.

10

Nagsumikap nang husto si Wangari. Napansin ito ng mga tao sa buong mundo at binigyan siya ng bantog na gantimpala. Ito ay ang Nobel Peace Prize, at siya ang kauna-unahang babaeng Aprikana na nakatanggap nito.

11

Pumanaw si Wangari noong 2011, pero maaari natin siyang alalahanin sa tuwing makakakita tayo ng magandang puno.

12

Maliit na Binhi: Ang Kuwento ni Wangari Maathai

Text: Nicola Rijsdijk
Illustrations: Maya Marshak
Translation: Karla Comanda
Language: Tagalog

This story is brought to you by the Global African Storybook Project, an effort to translate the stories of the African Storybook Project into all the languages of the world.

You can view the original story on the ASP website here

Global ASP logo

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 Unported License.