Ito si Khalai. Pitong taong gulang siya. Sa Lubukusu, "mabuti" ang kahulugan ng pangalan niya.
Kinakausap ni Khalai ang puno ng dalandan, "Dalandan, pasuyo naman, sana magkaroon ka ng marami at malalaking prutas."
Naglalakad si Khalai papunta sa iskul. Nadadaanan niya ang damo, "Sana naman damo, lalo pang tumingkad ang berdeng kulay mo at 'wag na 'wag kang matutuyo."
Napapansin din ni Khalai ang mga ligaw na bulaklak, "Tuloy niyo lang ang pamulaklak, para meron akong pampaganda ng buhok."
Kinakausap din ni Khalai ang puno sa gitna ng iskul, "Plis naman, malaking puno, palaguin mo pa mga sanga para sa lilim mo kami ay makapagbasa."
May nasasabi rin si Khalai sa mga halamang-bakod, "Magpakatibay kayo, pigilin ninyong makapasok ang masasamang tao.
Pagkauwi, pinupuntahan agad ni Khalai ang dalandan, "Hinog na ba mga bunga?"
"Hay naku, hilaw pa rin pala. Bukas uli ha, dalandan. Pagbibigyan kita at baka meron ng hinog, kahit isa!"
This story is brought to you by the Global African Storybook Project, an effort to translate the stories of the African Storybook Project into all the languages of the world.
You can view the original story on the ASP website here