Noong unang panahon, may tatlong batang babae na naghanap ng panggatong.
Pinawisan sila dahil sa init ng araw kaya naisipan nilang maligo sa ilog. Tuwang-tuwa sila sa paglaro, pagtampisaw at paglangoy.
Bigla nilang naalala na malapit na gumabi. Kaya dali-dali silang bumalik sa nayon.
Nung malapit na sila makarating sa bahay, kinapa ni Nozibele ang leeg niya. Naiwan pala niya sa may ilog ang kuwintas! "Samahan ninyo ako! Balik tayo dun!" nagmakaawa siya. Pero hindi pumayag ang mga kaibigan dahil malapit na gumabi.
Mag-isang bumalik si Nozibele sa ilog. Nakita niya ang kuwintas at agad bumalik pauwi. Pero naabutan siya ng dilim at nawala siya dahil di nya makita ang daan.
Sa di kalayuan, may nakita siyang ilaw sa isang bahay. Nilapitan niya ang kubo at kumatok sa pinto.
Bumukas ang pinto at nagulat siya sa nakita. Isang asong nagsasalita! "Anong kailangan mo?" "Nawawala ako at kailangan ko ng matutuluyan," sagot ni Nozibele. "Tuloy ka at baka kita kagatin!" sabi ng aso, kaya pumasok si Nozibele.
"Ipagluto mo ako!" utos ng aso. "Hindi ako marunong magluto," sagot ni Nozibele. "Kung hindi ka magluluto, kakagatin kita!" Kaya nagluto si Nozibele ng makakain ng aso.
"Ayusin mo ang kama ko!" utos ng aso. "Hindi ko alam kung paano ayusin ang kama para sa isang aso," sagot ni Nozibele. "Kung ayaw mong ayusin ang kama ko, kakagatin kita!" banta ng aso. Kaya inayos ni Nozibele ang kama nito.
Araw-araw, nagluluto, naglilinis at naglalaba si Nozibele para sa aso. "Sasaglit lang ako sa mga kaibigan ko. Pagbalik ko, dapat tapos ka na maglinis, magluto at maglaba."
Pagkaalis ng aso, bumunot si Nozibele ng tatlong hibla ng buhok sa kanyang ulo. Nilagay niya ang sa sa ilalim ng kama, isa sa likod ng pinto at isa sa kural. Saka siya kumaripas ng takbo pauwi.
Pagbalik ng aso, hinanap niya si Nozibele. "Asan ka, Nozibele?" "Andito ako sa ilalim ng kama," sabi ng unag hibla. "Andito ako sa likod ng pinto," sabi ng ikalawa. "Andito ako sa kural," sabi ng ikatlo.
Saka lang naisip ng aso. Naisahan siya. Tumakbo siya papunta sa nayon. Pero naghihintay sa kanya ang tatlong kapatid na lalaki ni Nozibele. May dala silang malalaking patpat kaya tumakas ang aso at hindi na uli nagpakita kailanman.
This story is brought to you by the Global African Storybook Project, an effort to translate the stories of the African Storybook Project into all the languages of the world.
You can view the original story on the ASP website here