Sabi ng ate ni Vusi

Isang umaga, tinawag si Vusi ng kanyang Lola, "Visu, pakihatid ang itlog na ito sa mga magulang mo. Gagawa sila ng malaking keyk para sa kasal ng ate mo."

1

Sa daan, nakasalubong ni Vusi ang dalawang batang namimitas ng prutas. Inagaw ng isang bata ng itlog at binato ito sa puno. Basag ang itlog.

2

"Ano ka ba?" sigaw ni Vusi. "Para 'yun sa cake sa kasal ng ate ko. Ano na lang sasabihin niya pag nalaman niyang wala pala siyang cake?"

3

Nalungkot ang mga bata. "Wala na kaming magagawa, pero sa iyo na ang patpat na ito. Bigay mo sa ate mo." Nagpatuloy si Visu sa kanyang paglakad.

4

Sa daan, may nakasalubong siyang dalawang karpintero. "Pwede ba magamit ang patpat?" tanong ng isa. Pero manipis ang patpat at nabali ito.

5

"Ano ka ba?" iyak ni Vusi. "Regalo ang patpat na iyan para sa kasal ng ate ko. Bigay iyan ng mga batang tigapitas ng prutas dahil nabasag nila ang itlog para sa cake. Ngayon wala ng itlog, wala ng cake at wala ng regalo. Ano na lang sasabihin ng ate ko?"

6

Nalungkot ang mga karpintero. "Wala na kaming magagawa, pero eto ang kugon para sa ate mo," sabi ng isa. Nagpatuloy si Vusi sa kanyang paglakad.

7

Sa daan, may nakasalubong siyang magsasaka at baka. "Parang ang sarap ng kugon. Patikim naman," hiling ng baka. Pero nasarapan ang baka at inubos lahat ng kugon.

8

"Ano ka ba?" iyak ni Vusi. "Regalo iyon para sa kasal ng ate ko. Bigay ng karpintero dahil nabali nila ang patpat na galing sa mga batang tigapitas ng prutas. Bigay nila ang patpat dahil nabasag nila ang itlog para sa cake. Tuloy, wala nang itlong, walang cake at walang regalo. Ano na lang sasabihin ng ate ko?"

9

Nagsisi ang baka sa pagiging masiba. Binigay ng magsasaka ang baka bilang regalo. At nagpatuloy si Vusi sa paglakad.

10

Pero tumakas ang baka at bumalik sa magsasaka. Nawala si Vusi sa daan kaya huli na ng dumating siya sa kasalan. Kumakain na ang mga bisita.

11

"Paano na ako?" iyak ni Vusi. "Regalo sana ang bakang iyon kapalit ng kugon. Bigay sa akin ng mga karpintero ang kugon kapalit ng nabaling patpat na galing sa mga batang tigapitas ng prutas. Bigay sa akin ng mga bata ang patpat dahil nabasag nila ang itlog na para sa cake sa kasal ng ate ko. Ngayon wala na akong itlog, walang cake at walang regalo."

12

Nag-isip ang ate ni Vusi at saka sinabi, "Vusi, kapatid ko, hindi mahalaga sa akin ang regalo. Hindi rin mahalaga ang cake! Ang mahalaga andito tayong lahat kaya masaya ako. Magbihis ka na at ipagdiwang natin ang araw na ito." Iyon nga ang ginawa ni Vusi.

13

Sabi ng ate ni Vusi

Text: Nina Orange
Illustrations: Wiehan de Jager
Translation: Arlene Avila
Language: Tagalog
Read by: La Trinidad Mina

This story is brought to you by the Global African Storybook Project, an effort to translate the stories of the African Storybook Project into all the languages of the world.

You can view the original story on the ASP website here

Global ASP logo

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 Unported License.