Pinanood ni Andiswa ang mga batang lalaking naglalaro ng soccer. Gustong-gusto niyang sumali sa praktis kanila. Nagpaalam siya sa coach.
"Dito sa iskul, lalaki lang pwedeng maglaro," sabi ng coach nang nakapamewang.
KInantiyawan si Andiswa ng mga batang lalaki at sinabing mas bagay siya sa netball na pambabaeng laro. Nainis si Andiswa.
Sa sumunod na araw, may malaking laban sa iskul. Nag-alala ang coach kasi maysakit ang pinakamagaling niyang manlalaro.
Nagmakaawa si Andiswa sa coach na payagan siyang maglaro. Hindi alam ng coach kung ano ang gagawin. Pero pumayag na rin siya sa huli.
Magaling ang kalaban. Half time na pero wala pang nakaka-iskor.
Sa second half, pinasa ng isang bata ang bola kay Andiswa. Mabilis siyang tumakbo palapit sa goal. Sinipa niya ang bola. Pasok sa goal!
Tuwang-tuwa ang lahat. Mula noon, pinayagan na ang mga babaeng maglaro ng soccer.
This story is brought to you by the Global African Storybook Project, an effort to translate the stories of the African Storybook Project into all the languages of the world.
You can view the original story on the ASP website here