Batang Asno

Isang batang babae ang unang nakakita ng kakaibang hugis mula sa malayo.

1

Habang papalapit nang papalapit ang hugis, nakita niyang isa itong babaeng nagdadalang-tao.

2

Mahiyain pero matapang, lumapit ang batang babae sa babaeng nagdadalang-tao. "Kailangan natin siyang panatilihin dito," napagdesisyunan ng mga kababayan ng batang babae. "Aalagaan natin ang ina at anak."

3

Sa madaling panahon ay lumabas din ang bata. "Tulak pa!" "Kumot!" "Tubig!" "Kaunti na laaaaannnnnggg!"

4

Ngunit nasindak ang lahat nang lumabas ang sanggol. "Isang asno?!"

5

Nagsimulang mag-away ang lahat, "Sinabi nating aalagaan natin ang ang ina at anak, at iyon ang gagawin natin," sabi ng iba. "Pero magdadala ito ng kamalasan sa atin!" sabi ng iba.

6

At muli ay mag-isa na naman ang babae. Inisip niya kung ano ang gagawin sa kanyang bardagol na anak. Inisip niya kung ano ang gagawin sa sarili niya.

7

Pero sa huli ay tinanggap niya na anak niya ang asno at siya ang ina nito.

8

Ngayon, kung hindi nagbago ang batang ito at nanatiling maliit, marahil ay iba ang lahat. Pero lumaki nang lumaki ang batang asno hanggang sa hindi na ito makarga sa likod ng kanyang ina. At kahit anong gawin niya, hindi nito kayang magpakatao. Madalas ay nararamdaman ng kanyang ina ang kapaguran at pagkabigo. Minsan ay pinagagawa niya rito ang mga gawaing pang-hayop.

9

Unti-unting umiral ang pagkalito at galit kay Asno. Hindi siya puwedeng gumawa ng ganito at ganyan. Hindi siya puwedeng maging ganito at ganyan. Isang araw, tinadyakan niya ang kanyang ina sa sobrang galit.

10

Nakaramdam ng pagkahiya si Asno. Tumakbo siya ng napakabilis para tumakas.

11

Gabi na nang tumigil siya sa pagktakbo, at nawala siya. "Hi haw?" bulong niya sa kadiliman. "Hi Haw?" ulyaw nito. Mag-isa siya. Niyakap niya ang sarili niya na parang bolang mahigpit, at nakatulog siya ng mahimbing at maligalig.

12

Nagising si Asno at nakita ang isang kakaibang matandang lalake na nakatitig sa kanya. Tumingin siya sa mga mata nito at nakaramdam ng pag-asa.

13

Nakituloy si Asno sa matandang lalake na siyang nagturo sa kanya ng iba't ibang paraan para mamuhay. Nakinig at natuto si Asno, at gayundin naman ang matandang lalake. Nagtulungan sila, at nagtawanan sila.

14

Isang umaga, nakiusap ang matandang lalake na dalhin siya ni Asno sa tuktok ng isang bundok.

15

Nakatulog sila sa itaas ng bundok, kapantay ang mga ulap. Napanaginipan ni Asno na may sakit ang kanyang ina at nananawagan ito. At nang magising siya...

16

...nawala na ang mga ulap kasama ng kanyang kaibigan, ang matandang lalake.

17

Alam na ni Asno kung ano ang dapat gawin.

18

Nakita ni Asno ang kanyang ina, nag-iisa at nagluluksa para kanyang nawawalang anak. Matagal silang tumitig sa isa't isa. At pagkatapos ay nagyakapan sila nang nakapahigpit.

19

Ang batang asno at ang kanyang ina ay tumanda nang magkasama at nakahanap ng maraming paraan para mamuhay nang magkaagapay. Unti-unting pumalagay ang mga pamilya sa paligid nila.

20

Batang Asno

Text: Lindiwe Matshikiza
Illustrations: Meghan Judge
Translation: Karla Comanda
Language: Tagalog
Read by: La Trinidad Mina

This story is brought to you by the Global African Storybook Project, an effort to translate the stories of the African Storybook Project into all the languages of the world.

You can view the original story on the ASP website here

Global ASP logo

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 Unported License.