Ang Inahin at ang Agila

Noong unang panahon, magkaibigan sina Inahin at Agila. Mapayapa silang nanirahan kasama ang ibang mga ibon. Walang nakalilipad sa kanila.

1

Isang araw, nagkaroon ng tagtuyot sa nayon. Kinailangang maglakad ng malayo ni Agila. Bumalik na sobrang pagod si Agila. "Siguro naman mayroong mas madaling paraan para maglakbay," sabi ni Agila.

2

Matapos makatulog ng mahimbing noong gabi, nagkaroon ng magandang ideya si Inahin. Nagsimula siyang mag-ipon ng mga nalaglag na pakpak sa kanilang mga kaibigang ibon. "Tahiin natin ang mga ito sa ibabaw ng mga pakpak natin," sabi niya. "Marahil siguro ay mapapadali nito ang paglalakbay natin."

3

Tanging si Agila lang ang may karayom sa kanilang nayon, kaya nauna siyang manahi. Naghabi siya ng napakagandang pares ng mga pakpak at lumipad sa taas ni Inahin. Hiniram ni Inahin ang karayom ngunit agad siyang napagod sa pananahi. Iniwan niya ang karayom sa paminggalan at nagtungo sa kusina para maghain ng pagkain para sa kanyang mga anak.

4

Ngunit nakita ng ibang mga ibon na lumipad palayo si Agila. Nakiusap sila kay Inahin na ipahiram sa kanila ang karayom para makapaghabi rin sila ng sarili nilang mga pakpak. 'Di naglaon ay nagsisiliparan na rin sa langit ang ibang mga ibon.

5

Wala si Inahin nang ibinalik ng huling ibon ang hiram na karayom. Kinuha ng mga anak niya ang karayom at pinaglaruan ito. Nang magsawa sila sa paglalaro, iniwan nila ang karayom sa buhangin.

6

Bumalik si Agila kinahapunan. Hinanap niya ang karayom para tagpiin ang mga balahibong lumuwag sa kanyang paglalakbay. Naghanap si Inahin sa paminggalan. Naghanap siya sa kusina. Naghanap siya sa bakuran. Pero hindi niya mahanap ang karayom.

7

"Bigyan mo ako ng isang araw," pagmamakaawa ni Inahin kay Agila. "Pagkatapos ay puwede mo nang tagpiin ang pakpak mo para makalipad ka't makahanap ng pagkain." "Isang araw lang," sabi ni Agila. "Kung hindi mo mahanap ang karayom, kailangan mong ibigay ang isa sa iyong mga sisiw bilang kabayaran."

8

Nang bumalik si Agila kinabukasan, natagpuan niyang nagkukumahog sa buhangin si Inahin, pero wala ang karayom. Kaya bumulusok pababa si Agila at hinuli ang isa sa mga sisiw. Itinakas niya ito. Mula noon, sa tuwing nagpapakita si Agila, nakikita niya si Inahin na nagkukumahog sa buhangin para hanapin ang karayom.

9

Sa tuwing pumapanaog ang anino ng pakpak ni Agila sa lupa, binabalaan ni Inahin ang kanyang mga sisiw. "Umalis kayo sa hubo at tuyong lupain." At sagot nila, "Hindi kami mga mangmang. Tatakbo kami."

10

Ang Inahin at ang Agila

Text: Ann Nduku
Illustrations: Wiehan de Jager
Translation: Karla Comanda
Language: Tagalog
Read by: La Trinidad Mina

This story is brought to you by the Global African Storybook Project, an effort to translate the stories of the African Storybook Project into all the languages of the world.

You can view the original story on the ASP website here

Global ASP logo

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 Unported License.