Isang araw, naglalakad si Kuneho sa may tabing-ilog.
Nandoon din si Hipo, namamasyal at kumakain ng masarap na luntiang damo.
Hindi napansin ni Hipo na nandoon si Kuneho at aksidente niyang natapakan ang paa nito. Napatili si Kuneho at sinigawan si Hipo, "Hoy ikaw, Hipo! Hindi mo ba nakitang inapakan mo ang paa ko?"
Humingi ng paumanhin si Hipo kay Kuneho. "Pasensiya ka na, kaibigan. Hindi kita nakita. Sana mapatawad mo ako!" Ngunit hindi ito pinakinggan ni Kuneho at sinigawan niya si Hipo. "Sinadya mo 'yan! Magbabayad ka balang araw! Makikita mo!"
Pagkatapos, hinanap ni Kuneho si Apoy at sinabi, "Sunugin mo si Hipo kapag umahon siya sa ilog para kumain ng damo. Inapakan niya ako!" Sagot ni Apoy, "Walang problema, kaibigang Kuneho. Susundin ko ang pakiusap mo."
Maya-maya, kumakain si Hipo ng damo malayo sa ilog nang "whoosh!" Nagliyab si Apoy. Unti-unting sinunog ng alab ang buhok ni Hipo.
Napaiyak si Hipo at tumakbo siya pabalik sa ilog. Nasunog lahat ng buhok niya. Iyak ni Hipo, "Nasunog ang buhok ko! Sinunog mo ang buhok ko! Wala na ang buhok ko! Ang maganda, ang napakaganda kong buhok!"
Natuwa ang kuneho nang masunog ang buhok ni Hipo. At hanggang ngayon, dahil sa takot sa apoy, ang hipo ay hindi na malalayo sa tubig kailanman.
This story is brought to you by the Global African Storybook Project, an effort to translate the stories of the African Storybook Project into all the languages of the world.
You can view the original story on the ASP website here