Magaling si Zama!

Tanghali nang magising ang nakababata kong kapatid. Maaga akong gumigising, dahil magaling ako!

1

Ako ang nagpapapasok ng araw sa amin.

2

"Ikaw ang aking tala sa umaga," sabi ni Ma.

3

Ako nang nagpapaligo sa sarili ko. Hindi ko na kailangan ng tulong.

4

Natitiis ko ang malamig na tubig at ang asul na mabahong sabon.

5

Paalala ni Ma, "'Wag kalimutan ang ngipin!" Sagot ko, "Hindi, hinding-hindi!"

6

Pagkatapos maligo, binabati ko sina Lolo at Tita at hinahangad ang isang magandang araw para sa kanila.

7

Pagkatapos, binibihisan ko ang sarili ko. "Malaki na ako, Ma," sabi ko.

8

Kaya ko nang magbutones at magsapatos mag-isa.

9

At sinisigurado kong alam ng nakababata kong kapatid ang mga balita sa paaralan.

10

Lagi kong pinagbubutihan sa klase.

11

Ginagawa ko ang mga mabubuting bagay na ito araw-araw. Pero ang pinakagusto kong gawin ay maglaro nang maglaro!

12

Magaling si Zama!

Text: Michael Oguttu
Illustrations: Vusi Malindi
Translation: Karla Comanda
Language: Tagalog
Read by: La Trinidad Mina

This story is brought to you by the Global African Storybook Project, an effort to translate the stories of the African Storybook Project into all the languages of the world.

You can view the original story on the ASP website here

Global ASP logo

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 Unported License.