Bagong buhay

Maraming problema ang aming nayon. Mahaba ang pila sa pag-igib ng tubig kasi isa lang ang gripo.

1

Naghihintay lang kami ng pagkaing donasyon galing sa iba.

2

Maaga kaming nagsasara ng bahay dahil may magnanakaw.

3

Maraming bata ang tumitigil sa pag-aaral.

4

Pumapasok naman bilang katulong ang mga dalaga sa ibang nayon.

5

May mga binatang istambay at pagala-gala habang tumutulong ang iba sa bukid.

6

Kumakalat ang basura kung saan-saan kapag malakas ang hangin.

7

Nasusugatan ang ilan dahil sa bubog na tinapon na lang basta.

8

Isang araw, nawalan ng tubig ang gripo at hindi kami nakapag-igib.

9

Pinuntahan ni tatay ang bawat isa sa kanilang bahay para tawagin ang isang pulong.

10

Nagtipon ang mga tao sa ilalim ng malaking puno.

11

Tumayo si tatay sa harap, "Kailangan natin magtulong-tulong para malutas ang mga problema."

12

"Tutulong akong maglinis," sigaw ng walong taon na si Juma habang nakaupo sa putol na puno.

13

"Magtatanim kaming mga babae ng makakain," sabi ng isang ale.

14

"Maghuhukay kaming mga lalaki para makahanap ng balon," sabi naman ng isang mama.

15

"Magbabagong buhay tayo," sigaw naming lahat. Iyon nga ang aming ginawa.

16

Bagong buhay

Text: Ursula Nafula
Illustrations: Vusi Malindi
Translation: Arlene Avila
Language: Tagalog
Read by: La Trinidad Mina

This story is brought to you by the Global African Storybook Project, an effort to translate the stories of the African Storybook Project into all the languages of the world.

You can view the original story on the ASP website here

Global ASP logo

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 Unported License.