Download PDF
Back to stories list

Ang mga saging ni Lola 할머니의 바나나들

Written by Ursula Nafula

Illustrated by Catherine Groenewald

Translated by Karla Comanda

Read by La Trinidad Mina

Language Tagalog

Level Level 4

Narrate full story

Reading speed

Autoplay story


Puno ng batad, dawa, at kamoteng-kahoy ang kahanga-hangang hardin ni Lola. Pero natatangi ang kanyang mga saging. Hindi man niya ito sabihin, alam kong ako ang paboritong apo ni Lola kahit na marami siyang apo. Madalas niya akong inaanyayahan sa kanyang buhay. Marami siyang ibinihaging maliliit na sikreto sa akin. Pero mayroon siyang isang sikretong hindi ibinahagi sa akin: kung saan siya nagpapahinog ng mga saging.

할머니의 농장은 사탕 수수, 잡곡, 고구마로 가득 했어요. 하지만 그 중 최고는 할머니의 바나나들이였어요. 할머니는 많은 손주들이 있었지만, 할머니는 저를 가장 좋아한다는 것을 비밀리에 알고 있었어요. 할머니는 저를 자주 초대해 주셨어요. 그리고 할머니는 조그만 비밀들을 저에게 말해 주셨어요. 하지만 할머니는 한가지 비밀이 있었어요. 바나나를 어디서 익히는지 알려주시지 않으셨어요.


Isang araw, may nakita akong dayaming basket na inaarawan sa labas ng bahay ni Lola. Nang tinanong ko siya kung para saan iyon, ang tanging sagot na nakuha ko ay, “Iyan ang aking mahiwagang basket.” Sa tabi ng basket ay mga dahon ng saging na paminsan-minsan ay binabaliktad ni lola. Nag-usisa ako. “Para saan ang mga dahon, Lola?” tanong ko. Ang tanging sagot na nakuha ko ay, “Iyan ang aking mga mahiwagang dahon.”

어느 날 할머니 집 밖 햇빛에 놓여있는 아주 큰 바구니를 봤어요. 제가 할머니에게 저 바구니는 어디에 쓰는 것이냐고 물어봤을때, 할머니는 단지 “이것은 나의 마술 바구니야.” 라고만 말해주셨어요. 그 바구니 옆에 할머니가 가끔 뒤집어 놓으시는 바나나 잎들이 몇장 있었는데 저는 항상 그것들이 어디에 쓰이는지 궁금했어요. “할머니, 저 잎사귀 들은 어디에 쓰시는 거에요?” 라고 물어봤어요. 하지만 할머니는 오로지 “그 잎사귀들은 나의 마술 잎들이야.” 라고만 대답해 주셨어요.


Nakakawiling panoorin si Lola, ang mga saging, ang mga dahon nito, at ang malaking dayaming basket. Pero may ipinabilin sa akin si Lola para kay Nanay. “Lola, sige na ho, hayaan ninyo ho akong panoorin kayong maghanda…” “Huwag matigas ang ulo, apo, gawin mo na lang ang sinabi ko,” pilit niya. Tumakbo ako paalis.

할머니, 바나나들, 바나나 잎사귀들, 그리고 그 큰 바구니는 보는것만으로도 정말 재밋었어요. 하지만 할머니는 저를 어머니께 심부름 하라고 보냈어요. “할머니, 제발 보게 해주세요…” “고집부리지 말고 내가 시킨 것을 하거라,” 라고 시키셨어요. 저는 그 자리를 떠났어요.


Nang bumalik ako, nakaupo si Lola sa labas pero wala ang basket o ang mga saging. “Lola, nasaan po ang basket, ang mga saging, at nasaan po ang…” Pero ang tanging sagot niya ay, “Nandoon sa aking mahiwagang taguan.” Nalungkot ako!

제가 돌아왔을때, 할머니는 밖에서 앉아 계셨어요. 하지만 바구니와 바나나들은 보이지 않았어요. “할머니, 바구니 어디있어요? 바나나는 어디있고, 그리고 …” 하지만 할머니는 오직, “그것들은 내 마법 장소에 있어.” 라는 답밖에 듣지 못했어요. 정말 실망했어요!


Makalipas ang dalawang araw, inutusan ako ni Lola na kunin ang kanyang tungkod mula sa kanyang silid-tulugan. Bumungad sa akin ang mabangong amoy ng mga nahihinog na saging sa oras na buksan ko ang pinto. Sa looban nito ay ang malaki at mahiwagang dayaming basket ni Lola. Nakatago ito sa isang lumang kumot. Iniangat ko ito at sininghot ang mabangong amoy nito.

이틀 뒤, 할머니는 할머니 방에 있는 지팡이를 가져와 달라고 부탁하셨어요. 할머니 방문을 열자마자, 바나나 익는 냄새가 진동을 했어요. 할머니의 방 구석쪽에 그 마법의 바구니를 발견했어요. 그 바구니는 낡은 이불로 잘 감춰져 있었어요. 저는 그 이불을 들어 아주 환상적인 냄새를 맡았어요.


Ginulantang ako ng boses ni Lola nang tumawag siya, “Ano’ng ginagawa mo? Dalian mo na’t kunin ang aking tungkod.” Dali-dali kong dinala ang kanyang tungkod. “Ano’ng nginingiti mo diyan?” tanong ni Lola. Napagtanto ko sa kanyang tanong na nakangiti pa rin ako dahil sa pagkakatuklas ko sa kanyang mahiwagang taguan.

할머니가 “너 뭐하고있니? 어서 지팡이를 가지고 오너라.” 라고 얘기 하셨을때, 저는 깜짝 놀랐어요. 저는 서둘러서 지팡이를 갖다 드렸어요. “뭐 때문에 그렇게 웃고있니?” 라고 할머니가 물어보셨어요. 할머니의 질문 후, 제가 아직도 할머니의 마법 장소를 발견했다는것에 대해 웃고 있다는 것을 알게 되었어요.


Sumunod na araw, nang dumalaw si Lola kay Nanay, nagmadali akong pumunta sa kanyang bahay para tingnan ulit ang mga saging. Mayroong isang kumpol na napakahinog. Kumuha ako ng isa at itinago ito sa aking bestida. Matapos takpan ang basket, nagtungo ako sa likod ng bahay at kinain ito. Iyon ang pinakamatamis na saging na aking natikman.

다음 날 할머니가 어머니를 뵈러 오셨을때, 저는 할머니 집에 가서 바나나들을 한번 더 확인 했어요. 너무나도 잘 익은 바나나들이 많이 있었어요. 저는 하나를 주워서 제 치마 속으로 넣었어요. 그 바구니를 다시 덮고, 집 뒤로 와서 가지고 온 바나나를 빨리 먹었어요. 제가 맛본 바나나 중에 가장 달았어요.


Kinabukasan, nang namimitas ng gulay si Lola sa bakuran, pumuslit ako sa kuwarto at sinilip ang mga saging. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na kumupit ng isang kumpol ng apat na saging. Habang lumalakad ako ng patiyad palabas ng pinto, narinig ko ang ubo ni Lola sa labas. Itinago ko ang mga saging habang naglalakad, hanggang sa malampasan ko siya.

그 다음 날, 할머니가 정원에서 야채들을 따고 계셨을때, 저는 다시 바나나들을 보러 갔어요. 거의 모든 바나나들이 익었어요. 저는 참지 못하고 네개를 가져왔어요. 제가 문쪽으로 갔을때 할머니의 기침소리를 들었어요. 저는 겨우 다시 바나나를 치마 속으로 넣었고 아무렇지 않게 할머니를 지나쳤어요.


Maagang gumising si Lola kinabukasan para magtinda sa palengke. Lagi niyang dala ang mga hinog na saging at kamoteng-kahoy para itinda doon. Hindi ako nagmadaling dalawin siya noong araw na iyon. Pero hindi ko na siya maaaring iwasan pa.

그 다음날 할머니는 일찍 일어 나셨어요. 그녀는 항상 잘 익은 바나나들과 고구마를 들고 시장에 가셔서 파셨어요. 저는 그날 할머니께 방문하지 않았어요. 하지만 그렇게 오래는 버티지 못했어요.


Kinagabihan, tinawag ako ni Nanay, Tatay, at ni Lola. Alam ko kung bakit. Sa pagtulog ko, alam kong hindi na ako magnanakaw muli, hindi kay Lola, hindi sa aking mga magulang, at siguradong hindi kaninuman.

그날 밤, 저는 엄마아빠 그리고 할머니에게로 부터 불려갔어요. 저는 제가 왜 불려갔는지 알아요. 그날 밤 제가 자려고 누웠을 때, 다시는 훔쳐서는 안된다고 생각했어요. 할머니에게서도, 부모님에게서도, 그리고 확실히 누구한테서도요.


Written by: Ursula Nafula
Illustrated by: Catherine Groenewald
Translated by: Karla Comanda
Read by: La Trinidad Mina
Language: Tagalog
Level: Level 4
Source: Grandma's bananas from African Storybook
Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 International License.
Options
Back to stories list Download PDF