Noong unang panahon, may tatlong batang babae na naghanap ng panggatong.
먼 옛날, 세 여자아이들이 나무를 가지러 밖에 나섰어요.
Pinawisan sila dahil sa init ng araw kaya naisipan nilang maligo sa ilog. Tuwang-tuwa sila sa paglaro, pagtampisaw at paglangoy.
정말 더운 날이어서 그들은 강에 수영을 하러 갔어요. 물 속에서 놀고 물장구치고 수영했어요.
Bigla nilang naalala na malapit na gumabi. Kaya dali-dali silang bumalik sa nayon.
갑자기, 그들은 늦은 것을 깨달았어요. 마을로 급히 돌아갔어요.
Nung malapit na sila makarating sa bahay, kinapa ni Nozibele ang leeg niya. Naiwan pala niya sa may ilog ang kuwintas! “Samahan ninyo ako! Balik tayo dun!” nagmakaawa siya. Pero hindi pumayag ang mga kaibigan dahil malapit na gumabi.
집에 거의 다 왔을 때, 노지벨레는 목에 손을 댔어요. 목걸이를 깜빡했어요! “나랑 같이 돌아가!” 그녀는 친구들에게 부탁했어요. 그러나 친구들은 너무 늦었다고 말했어요.
Mag-isang bumalik si Nozibele sa ilog. Nakita niya ang kuwintas at agad bumalik pauwi. Pero naabutan siya ng dilim at nawala siya dahil di nya makita ang daan.
그래서 노지벨레는 강으로 혼자 돌아갔어요. 목걸이를 찾아서 집으로 급히 돌아갔어요. 그러나 어둠 속에서 길을 잃고 말았어요.
Sa di kalayuan, may nakita siyang ilaw sa isang bahay. Nilapitan niya ang kubo at kumatok sa pinto.
멀리서 그녀는 한 오두막에서 불빛을 보았어요. 그녀는 급히 달려가서 문을 두들겼어요.
Bumukas ang pinto at nagulat siya sa nakita. Isang asong nagsasalita! “Anong kailangan mo?” “Nawawala ako at kailangan ko ng matutuluyan,” sagot ni Nozibele. “Tuloy ka at baka kita kagatin!” sabi ng aso, kaya pumasok si Nozibele.
놀랍게도, 개 한마리가 문을 열고 “무슨 일이지?”라고 말했어요. “전 길을 잃었고 잘 곳이 필요해요,” 노지벨레가 말했어요. “들어와, 아니면 물어버릴꺼야!” 개가 말했어요. 그래서 노지벨레는 들어갔어요.
“Ipagluto mo ako!” utos ng aso. “Hindi ako marunong magluto,” sagot ni Nozibele. “Kung hindi ka magluluto, kakagatin kita!” Kaya nagluto si Nozibele ng makakain ng aso.
그러더니 개가 “요리해줘!”라고 말했어요. “하지만 전 개를 위해서 요리해 본 적이 없어요,” 그녀가 말했어요. “요리해, 아니면 물어버릴꺼야!” 개가 말했어요. 그래서 노지벨레는 개를 위해 음식을 만들었어요.
“Ayusin mo ang kama ko!” utos ng aso. “Hindi ko alam kung paano ayusin ang kama para sa isang aso,” sagot ni Nozibele. “Kung ayaw mong ayusin ang kama ko, kakagatin kita!” banta ng aso. Kaya inayos ni Nozibele ang kama nito.
그리곤 개가 “침대를 정리해줘!”라고 말했어요. “전 개를 위해 침대를 정리해준 적이 없어요,” 노지벨레가 대답했어요. “침대를 정리해줘, 아니면 물어버릴꺼야!” 개가 말했어요. 그래서 노지벨레는 침대를 정리했어요.
Araw-araw, nagluluto, naglilinis at naglalaba si Nozibele para sa aso. “Sasaglit lang ako sa mga kaibigan ko. Pagbalik ko, dapat tapos ka na maglinis, magluto at maglaba.”
매일 개를 위해 그녀는 요리하고 쓸고 닦았어요. 어느 날 개가 “노지벨레, 난 오늘 친구들을 만나러 가야해. 내가 오기 전에 집을 쓸고, 음식을 만들고, 내 물건을 닦아놔.” 라고 말했어요.
Pagkaalis ng aso, bumunot si Nozibele ng tatlong hibla ng buhok sa kanyang ulo. Nilagay niya ang sa sa ilalim ng kama, isa sa likod ng pinto at isa sa kural. Saka siya kumaripas ng takbo pauwi.
개가 가자 마자, 노지벨레는 세 머리카락을 머리에서 뽑았어요. 한 머리카락은 침대 아래, 하나는 문 뒤에, 하나는 크랄 안에 두었어요. 그리고 그녀는 집으로 가능한 최대한 빨리 달려갔어요.
Pagbalik ng aso, hinanap niya si Nozibele. “Asan ka, Nozibele?” “Andito ako sa ilalim ng kama,” sabi ng unag hibla. “Andito ako sa likod ng pinto,” sabi ng ikalawa. “Andito ako sa kural,” sabi ng ikatlo.
개가 돌아왔을 때, 노지벨레를 찾았어요. “노지벨레, 어디있어?” 개가 외쳤어요. “여기 있어요, 침대 아래,” 첫번째 머리카락이 말했어요. “여기 있어요, 문 뒤에,” 두번째 머리카락이 말했어요. “여기 있어요, 크랄 안에,” 세번째 머리카락이 말했어요.
Saka lang naisip ng aso. Naisahan siya. Tumakbo siya papunta sa nayon. Pero naghihintay sa kanya ang tatlong kapatid na lalaki ni Nozibele. May dala silang malalaking patpat kaya tumakas ang aso at hindi na uli nagpakita kailanman.
그제서야 개는 노지벨레가 자신을 속인 것을 알았어요. 그는 마을로 달리고 달려갔죠. 그러나 노지벨레의 오빠들이 커다란 몽둥이를 들고 기다리고 있었어요. 개는 몸을 돌려 도망갔고 다시는 보이지 않았어요.