Isang batang babae ang unang nakakita ng kakaibang hugis mula sa malayo.
Une petite fille fut la première à voir la forme mystérieuse au loin.
Habang papalapit nang papalapit ang hugis, nakita niyang isa itong babaeng nagdadalang-tao.
Tandis que la forme se rapprocha, la petite fille vit que c’était une femme enceinte de plusieurs mois.
Mahiyain pero matapang, lumapit ang batang babae sa babaeng nagdadalang-tao. “Kailangan natin siyang panatilihin dito,” napagdesisyunan ng mga kababayan ng batang babae. “Aalagaan natin ang ina at anak.”
Timide mais brave, la petite fille se rapprocha de la femme. « Nous devons la garder avec nous, » dit le peuple de la petite fille. « Nous la garderons en sécurité, ainsi que son enfant. »
Sa madaling panahon ay lumabas din ang bata. “Tulak pa!” “Kumot!” “Tubig!” “Kaunti na laaaaannnnnggg!”
Ngunit nasindak ang lahat nang lumabas ang sanggol. “Isang asno?!”
Mais quand ils virent le bébé, tous firent un saut en arrière. « Un âne ?! »
Nagsimulang mag-away ang lahat, “Sinabi nating aalagaan natin ang ang ina at anak, at iyon ang gagawin natin,” sabi ng iba. “Pero magdadala ito ng kamalasan sa atin!” sabi ng iba.
Tout le monde commença à se disputer. « Nous avions dit que nous garderions mère et enfant en sécurité et c’est ce que nous ferons, » dirent quelques-uns. « Mais ils vont nous porter malchance ! » dirent d’autres.
At muli ay mag-isa na naman ang babae. Inisip niya kung ano ang gagawin sa kanyang bardagol na anak. Inisip niya kung ano ang gagawin sa sarili niya.
Ainsi, la femme se retrouva seule encore une fois. Elle se demanda quoi faire de cet enfant embarrassant. Elle se demanda quoi faire d’elle-même.
Pero sa huli ay tinanggap niya na anak niya ang asno at siya ang ina nito.
Mais elle dut finalement accepter qu’il était son enfant et qu’elle était sa mère.
Ngayon, kung hindi nagbago ang batang ito at nanatiling maliit, marahil ay iba ang lahat. Pero lumaki nang lumaki ang batang asno hanggang sa hindi na ito makarga sa likod ng kanyang ina. At kahit anong gawin niya, hindi nito kayang magpakatao. Madalas ay nararamdaman ng kanyang ina ang kapaguran at pagkabigo. Minsan ay pinagagawa niya rito ang mga gawaing pang-hayop.
Maintenant, si l’enfant était resté petit, tout aurait été différent. Mais l’enfant-âne grandit et grandit jusqu’à ce qu’il ne puisse plus être porté sur le dos de sa mère. Et malgré ses plus grands efforts, il ne pouvait pas se comporter comme un être humain. Sa mère était très souvent fatiguée et frustrée. Parfois elle l’obligeait à faire du travail destiné aux animaux.
Unti-unting umiral ang pagkalito at galit kay Asno. Hindi siya puwedeng gumawa ng ganito at ganyan. Hindi siya puwedeng maging ganito at ganyan. Isang araw, tinadyakan niya ang kanyang ina sa sobrang galit.
La confusion et la colère s’accumulèrent à l’intérieur d’Âne. Il ne pouvait pas faire ceci et il ne pouvait pas faire cela. Il ne pouvait pas être comme ceci et il ne pouvait pas être comme cela. Il devint tellement fâché qu’un jour il botta sa mère par terre.
Nakaramdam ng pagkahiya si Asno. Tumakbo siya ng napakabilis para tumakas.
Âne fut rempli de honte. Il commença à se sauver aussi vite et aussi loin qu’il pu.
Gabi na nang tumigil siya sa pagktakbo, at nawala siya. “Hi haw?” bulong niya sa kadiliman. “Hi Haw?” ulyaw nito. Mag-isa siya. Niyakap niya ang sarili niya na parang bolang mahigpit, at nakatulog siya ng mahimbing at maligalig.
Quand il s’arrêta de courir, la nuit était tombée et Âne était perdu. « Hi han ? » il chuchota à la noirceur. « Hi han ? » retourna la noirceur en écho. Il était seul. Se lovant en petite boule, il tomba dans un sommeil profond et agité.
Nagising si Asno at nakita ang isang kakaibang matandang lalake na nakatitig sa kanya. Tumingin siya sa mga mata nito at nakaramdam ng pag-asa.
Âne se réveilla et vit un vieil homme étrange qui le regardait. Il regarda dans les yeux du vieil homme et commença à ressentir un brin d’espoir.
Nakituloy si Asno sa matandang lalake na siyang nagturo sa kanya ng iba’t ibang paraan para mamuhay. Nakinig at natuto si Asno, at gayundin naman ang matandang lalake. Nagtulungan sila, at nagtawanan sila.
Âne partit vivre avec le vieil homme, qui lui montra plusieurs façons de survivre. Âne écouta et apprit, et le vieil homme aussi. Ils s’aidèrent l’un l’autre et ils rirent ensemble.
Isang umaga, nakiusap ang matandang lalake na dalhin siya ni Asno sa tuktok ng isang bundok.
Un matin, le vieil homme demanda à Âne de le transporter jusqu’au sommet d’une montagne.
Nakatulog sila sa itaas ng bundok, kapantay ang mga ulap. Napanaginipan ni Asno na may sakit ang kanyang ina at nananawagan ito. At nang magising siya…
En haut, parmi les nuages, ils s’endormirent. Âne rêva que sa mère était malade et qu’elle l’appelait. Et quand il se réveilla…
…nawala na ang mga ulap kasama ng kanyang kaibigan, ang matandang lalake.
… les nuages avaient disparu avec son ami le vieil homme.
Alam na ni Asno kung ano ang dapat gawin.
Âne sut finalement quoi faire.
Nakita ni Asno ang kanyang ina, nag-iisa at nagluluksa para kanyang nawawalang anak. Matagal silang tumitig sa isa’t isa. At pagkatapos ay nagyakapan sila nang nakapahigpit.
Âne trouva sa mère, seule et en deuil pour son enfant perdu. Ils se regardèrent longtemps. Puis ils s’embrassèrent très fort.
Ang batang asno at ang kanyang ina ay tumanda nang magkasama at nakahanap ng maraming paraan para mamuhay nang magkaagapay. Unti-unting pumalagay ang mga pamilya sa paligid nila.
L’enfant-âne et sa mère ont grandi ensemble et ils ont trouvé plusieurs manières de coexister. Lentement, tout autour d’eux, d’autres familles ont commencé à s’installer.