Isang araw, naglalakad si Kuneho sa may tabing-ilog.
Un jour, Lapin marchait le long de la rivière.
Nandoon din si Hipo, namamasyal at kumakain ng masarap na luntiang damo.
Hippo était là aussi pour se promener et manger de la bonne herbe verte.
Hindi napansin ni Hipo na nandoon si Kuneho at aksidente niyang natapakan ang paa nito. Napatili si Kuneho at sinigawan si Hipo, “Hoy ikaw, Hipo! Hindi mo ba nakitang inapakan mo ang paa ko?”
Hippo ne voyait pas que Lapin se trouvait là et elle piétina le pied de Lapin. Lapin cria et hurla « Hippo ! Tu vois pas que tu me piétines le pied ? »
Humingi ng paumanhin si Hipo kay Kuneho. “Pasensiya ka na, kaibigan. Hindi kita nakita. Sana mapatawad mo ako!” Ngunit hindi ito pinakinggan ni Kuneho at sinigawan niya si Hipo. “Sinadya mo ‘yan! Magbabayad ka balang araw! Makikita mo!”
Hippo s’excusa à Lapin : « Je suis si désolé, mon ami. Je ne te voyais pas. Pardonne-moi, s’il-te-plaît ! » Mais Lapin n’écoutait pas et cria à Hippo : « Tu l’as fait exprès ! Un jour, tu verras ! Tu paieras pour ça ! »
Pagkatapos, hinanap ni Kuneho si Apoy at sinabi, “Sunugin mo si Hipo kapag umahon siya sa ilog para kumain ng damo. Inapakan niya ako!” Sagot ni Apoy, “Walang problema, kaibigang Kuneho. Susundin ko ang pakiusap mo.”
Puis Lapin partit chercher Feu et lui dit : « Va brûler Hippo quand elle sort de l’eau pour manger l’herbe. Elle m’a piétiné le pied ! » Feu répondit : « Pas de souci, Lapin, mon ami. Je ferai ce que tu as demandé. »
Maya-maya, kumakain si Hipo ng damo malayo sa ilog nang “whoosh!” Nagliyab si Apoy. Unti-unting sinunog ng alab ang buhok ni Hipo.
Plus tard, Hippo mangeait l’herbe loin de la rivière lorsque soudain « ZOUM ! » Feu s’enflamma. Les flammes commencèrent à brûler les poils de Hippo.
Napaiyak si Hipo at tumakbo siya pabalik sa ilog. Nasunog lahat ng buhok niya. Iyak ni Hipo, “Nasunog ang buhok ko! Sinunog mo ang buhok ko! Wala na ang buhok ko! Ang maganda, ang napakaganda kong buhok!”
Hippo se mit à pleurer et se réfugia dans l’eau. Le feu avait brûlé tous ses cheveux. Hippo continua à pleurer : « Mes poils ont brûlé. Tu as brûlé tous mes poils ! Mes poils ont disparu ! Mes si beaux poils ! »
Natuwa ang kuneho nang masunog ang buhok ni Hipo. At hanggang ngayon, dahil sa takot sa apoy, ang hipo ay hindi na malalayo sa tubig kailanman.
Lapin était content que les poils de Hippo soient brulés. Et jusqu’à ce jour, de crainte du feu, les hippopotames ne s’éloignent jamais de l’eau.