Ito ang kuwento ni Ngede, ang Pastol ng Pulut-Pukyutan, at ni Gingile, isang binatang sakim. Isang araw, habang nangangaso si Gingile, narinig niya ang tawag ni Ngede. Naglaway si Gingile sa posibilidad ng pulut-pukyutan. Tumigil siya at nakinig nang maigi, naghanap hanggang sa makita niya ang ibon sa sanga sa itaas. “Twit-twit-twit,” kalansing ng munting ibon habang nagpalipat-lipat siya ng puno. “Twit, twit, twit,” tawag niya, paminsan-minsang tumitigil para siguraduhing nakasusunod si Gingile.
Voici l’histoire de Ngede l’indicateur et d’un jeune homme avide nommé Gingile. Un jour, lorsqu’il chassait, Gingile entendit l’appel de Ngede. Gingile commença à saliver en pensant au miel. Il s’arrêta et écouta attentivement, fouillant jusqu’à ce qu’il trouve l’oiseau dans les branches au-dessus de sa tête. « Chitik-chitik-chitik, » chantait le petit oiseau, en volant d’un arbre à l’autre. « Chitik-chitik-chitik, » lançait-t-il, s’arrêtant de temps en temps pour s’assurer que Gingile le suivait.
Makalipas ang kalahating oras, naabot nila ang isang malaki at masukal na puno ng igos. Masayang lumukso si Ngede sa mga sanga nito. Sa wakas ay nanatili siya sa isang sanga at tumingin kay Gingile na para bang gusto niyang sabihin, “Ito na! Halika! Ano pa’ng hinihintay mo?” Walang makitang mga bubuyog si Gingile, pero pinagkatiwalaan niya si Ngede.
Après une heure et demie, ils atteignirent un figuier sauvage énorme. Ngede sautilla éperdument parmi les branches. Il s’installa ensuite sur une branche et inclina sa tête vers Gingile comme pour dire, « Le voici ! Viens vite ! Qu’est-ce qui te prend autant de temps ? » Gingile ne pouvait pas voir d’abeilles depuis le dessous de l’arbre, mais il avait confiance en Ngede.
Ibinaba ni Gingile ang kanyang sibat sa ilalim ng puno, nag-ipon ng mga tuyo at maliliit na sanga, at gumawa ng maliit na apoy. Nang nagliyab nang mabuti ang apoy, naglagay siya ng isang mahaba at tuyong patpat sa puso nito. Kilala ang mga sangang ito sa paggawa ng malaking usok habang ito’y nasusunog. Nag-umpisa siyang umakyat, hawak ang malamig-lamig na bahagi ng patpat sa kanyang mga ngipin.
Alors, Gingile déposa sa lance sous l’arbre, recueillit des brindilles séchées et alluma un petit feu. Une fois que le feu brûlait bien, il mit une longue branche au cœur du feu. Ce bois était connu pour la fumée qu’il créait quand il brûlait. Gingile commença à grimper, tenant entre ses dents le bout froid de la branche qui fumait.
Maya-maya ay narinig niya ang malakas na haging ng mga abalang bubuyog. Labas-pasok sila sa hungkag ng puno – ang kanilang pugad. Nang maabot ni Gingile ang bahay-pukyutan, itinulak niya ang patpat na may usok sa hungkag. Naglabasan ang mga bubuyog, galit at buwisit. Lumipad sila palabas dahil ayaw nila ng usok – ngunit lumabas sila habang binibigyan ng massakit na kagat si Gingile!
Bientôt il pouvait entendre le bourdonnement bruyant des abeilles affairées. Elles rentraient et sortaient d’un creux dans le tronc d’arbre - leur ruche. Lorsque Gingile arriva à la ruche il mit le bout fumant de la branche dans le creux. Les abeilles sortirent, fâchées et méchantes. Elles s’envolèrent parce qu’elles n’aimaient pas la fumée - mais pas avant d’avoir piqué douloureusement Gingile !
Nang lumabas ang mga bubuyog, ipinasok ni Gingile ang kanyang mga kamay sa loob ng pugad. Nakakuha siya ng isang dakot ng panilan na punung-puno ng pulut-pukyutan, at matataba at mapuputing uod. Iningatan niyang ilagay ang pulut-pukyutan sa supot na dala niya sa kanyang balikat, at bumaba mula sa puno.
Quand les abeilles furent sorties, Gingile enfonça ses mains dans le nid. Il sortit des poignées de rayons de miel d’abeilles desquelles s’écoulait du miel riche et des larves grasses et blanches. Il mit soigneusement le nid dans la besace qu’il portait sur son épaule et commença à descendre de l’arbre.
Nasaksihan ni Ngede ang lahat ng ginawa ni Gingile. Naghintay siyang maiwanan ng isang malaking piraso ng pulut-pukyutan bilang pasasalamat sa Pastol ng Pulut-Pukyutan. Humagibis siya sa mga sanga, papalapit nang papalapit sa lupa. Nang maabot ni Gingile ang ilalim ng puno, dumapo si Ngede sa isang bato malapit sa batang lalaki at naghintay sa kanyang gantimpala.
Ngede regardait avec impatience tout ce que Gingile faisait. Il attendait qu’il laisse un gros morceau de nid d’abeille comme signe de remerciement à l’indicateur. Ngede voltigeait de branche en branche, de plus en plus près du sol. Finalement, Gingile arriva au pied de l’arbre. Ngede se percha sur une roche près du garçon et attendit sa récompense.
Ngunit pinatay ni Gingile ang apoy, pinulot ang kanyang sibat, at nag-umpisang maglakad pauwi nang hindi pinapansin ang ibon. Galit na tawag ni Ngede, “BIK-torrr! BIK-torrr!!” Tumigil si Gingile, tinitigan ang munting ibon, at tumawa ng malakas. “Gusto mo ng pulut-pukyutan ano, kaibigan? Ha! Pero ako ang naghirap para dito, at ako ang nakagat. Bakit ko ibabahagi ang kahit katiting ng masarap na pulut-pukyutan sa iyo?” At naglakad siya paalis. Galit na galit si Ngede! Hindi siya maaaring tratuhin ng ganoon! Pero makakapaghiganti rin siya.
Mais Gingile éteint le feu, ramassa sa lance et commença à rentrer chez lui, en ignorant l’oiseau. Ngede lança, fâché, « VIC-torr ! VIC-torr ! » Gingile s’arrêta, dévisagea le petit oiseau et éclata de rire. « Tu veux du miel, mon ami ? Ha ! Mais c’est moi qui ai fait tout le travail et qui me suis fait piquer. Pourquoi est-ce que je devrais partager ce miel avec toi ? » Et il partit. Ngede était furieux ! Ce n’était pas une façon de le traiter ! Mais il aurait sa revanche.
Isang araw makalipas ang ilang linggo, muling narinig ni Gingile ang pantawag sa pulut-pukyutan ni Ngede. Naalala niya ang masarap na pulut-pukyutan at sabik na sinundang muli ang ibon. Matapos pangunahan si Gingile sa dulo ng kagubatan, nagpahinga si Ngede sa isang malaking payong na tinik. “Ahh,” isip ni Gingile. “Marahil ay nasa punong ito ang pugad.” Dali-dali siyang gumawa ng maliit na apoy at nag-umpisang umakyat, at nilagay ang patpat na pang-usok sa ngipin niya. Naupo at nanood si Ngede.
Un jour, plusieurs semaines plus tard, Gingile entendit de nouveau l’appel de Ngede. Il se souvint du miel délicieux et suivit avec impatience l’oiseau une fois de plus. Après avoir guidé Gingile à l’orée de la forêt, Ngede s’arrêta pour se reposer dans un acacia épineux. « Ahh, » pensa Gingile. « La ruche doit être dans cet arbre. » Il alluma rapidement son petit feu et commença à grimper, la branche fumante entre ses dents. Ngede s’assit et le regarda.
Umakyat si Gingile, nagtataka kung bakit hindi niya marinig ang karaniwang haging. “Baka nasa looban ng puno ang bahay-pukyutan,” isip niya. Itinulak niya ang sarili niya sa isang sanga. Pero sa halip na bahay-pukyutan, nakita niya ang sarili niyang nakatitig sa mukha ng isang leopardo! Galit na galit si Leopardo dahil naudlot ang tulog niya. Nagdilim ang kanyang paningin, at binuksan ang kanyang bibig para ilabas ang kanyang napakalaki at napakatalas na mga ngipin.
Gingile grimpa, se demandant pourquoi il n’entendait pas le bourdonnement habituel. « Peut-être que la ruche est très profonde dans l’arbre, » se dit-il. Il se hissa sur une autre branche. Mais au lieu de la ruche, il arriva face-à-face avec le visage d’un léopard ! Léopard était très fâchée que son sommeil ait été interrompu si brusquement. Ses yeux se plissèrent et elle ouvrit sa bouche pour révéler ses grandes dents pointues.
Bago pa man mahagupit ni Leopardo si Gingile, dali-dali siyang bumaba mula sa puno. Sa kanyang pagmamadali ay hindi siya nakaapak sa isang sanga, bumagsak siya lupa, atnapihit ang bukung-bukong. Dali-dali siyang umika. Sa kabutihang palad, masyadong antok na si Leopardo para habulin siya. Nakuha ni Ngede, ang Pastol ng Pulut-Pukyutan, ang kanyang paghihiganti. At may natutunang aral si Gingile.
Avant que Léopard ne puisse s’en prendre à Gingile, ce dernier se précipita en bas de l’arbre. Dans son empressement, il manqua une branche et atterrit par terre avec un bruit sourd, se tordant la cheville. Heureusement pour lui, Léopard était encore trop endormie pour le poursuivre. Ngede, l’indicateur, eu sa revanche. Et Gingile retint sa leçon.
At dahil diyan, iginagalang ng mga anak ni Gingle si Ngede, ang munting ibon, sa tuwing maririnig nila ang kuwentong ito. Sa tuwing maga-ani sila ng pulut-pukyutan, sinisigurado nilang iiwan nila ang pinakamalaking bahagi nito para sa Pastol ng Pulut-Pukyutan!
Ainsi, quand les enfants de Gingile entendent l’histoire de Ngede ils respectent le petit oiseau. Chaque fois qu’ils récoltent du miel, ils s’assurent de laisser la plus grande partie du rayon à l’indicateur !