下载 PDF
返回故事列表

Magozwe 玛格威

作者 Lesley Koyi

插图 Wiehan de Jager

译文 Arlene Avila

配音 La Trinidad Mina

语言 菲律宾语

级别 5级

将整故事念出来

播放速度

自动念故事


Sa mataong lungsod ng Nairobi, malayo sa mga tahanang mapagmahal, may mga batang walang matuluyan. Sila ang mga batang kalye. Lahat sila ay lalaki at tanggap nila kung ano man ang hatid ng araw sa kanilang buhay. Pagkagising sa umaga, nililigpit nila ang banig pagkatapos matulog sa malamig na bangketa. Sinisindihan nila ang basura para mabawasan ang ginaw. Kasama nila sa Magozwe, ang pinakabata.

在内罗毕这座繁忙的城市里,住着一群流浪的男孩,他们日复一日地活着,从来不知道什么是舒适安逸的生活。一天早上,男孩们从冰冷的人行道上醒来,把他们用来睡觉的毯子叠起来。天太冷了,为了驱赶寒气,他们用拾来的垃圾燃起了一堆火。在这群男孩中有一个人叫玛格威。


Limang taon pa lang si Magozwe nang mamatay ang kanyang mga magulang. Tumira siya sa kanyang tiyo na walang pakialam sa kanya. Hindi niya pinapakain ng mabuti si Magozwe at binibigyan niya ito ng mahihirap na trabaho.

玛格威的父母过世时,他只有五岁,他搬去跟叔叔一起生活。叔叔从来不关心玛格威。玛格威在叔叔家挨饿受冻,还要干很多体力活。


Bugbog ang inaabot ni Magozwe kung siya ay nagtatanong o nagrereklamo. Bugbog uli ang inabot niya nung banggitin niya ang tungkol sa pag-aaral, “Hindi ka matututo kasi tanga ka.” Lumayas si Magozwe pagkatapos ng tatlong taong paghihirap at siya ay sumama sa mga batang kalye.

一旦玛格威稍有抱怨,叔叔就会对他拳打脚踢。有一次,玛格威问叔叔他能不能去上学,叔叔狠狠地打了他几下,说:“你这傻瓜,用得着上学吗?”玛格威过了三年这样的日子,终于离家出走,无家可归。


Mahirap ang buhay at lahat sila nagkukumahog makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit na kita sa pagpapalimos at pangangalakal. Lalo silang naghihirap pag nanghahamon ng away ang ibang grupo ng batang kalye, makuha lang ang gustong teritoryo.

流浪生活非常艰辛,大多数男孩每天只能混个温饱。他们有时候会被抓起来,有时候会挨打。当他们生病的时候,没有人照顾他们。这群男孩就靠乞讨得来的一点点钱过活,他们有时候也会卖塑料品和旧货赚点钱。有时候别的流浪汉会来找茬,争夺领地,那时候生活就更艰难。


Isang araw, nakakita si Magozwe ng gula-gulanit na libro sa basura. Nilinis niya ang libro at nilagay iyon sa kanyang sako. Araw-araw, tinitingnan lang niya ang mga larawan sa libro sapagka’t hindi siya marunong magbasa.

有一天,玛格威正在翻垃圾箱,他找到了一本破旧不堪的故事书。他把书上的灰尘吹走,把书放进了袋子里。每天完工后,他会把书拿出来,翻着上面的图画,可惜他看不懂上面的文字。


Kinuwento ng mga larawan ang buhay ng isang batang lalaki na naging piloto at pinangarap ni Magozwe maging piloto. Minsan, iniisip niya na siya ang bata sa libro.

图画书讲的是一个男孩长大成为飞行员的故事。玛格威有时候会梦想自己成为一个飞行员。有时候,他想象着自己就是故事中的男孩。


Isang malamig na araw, nakatayo si Magozwe sa kalye namamalimos nang lumapit sa kanya ang isang mama. “Magandang umaga. Ako si Tomas. Malapit lang dito ang pinagtatrabahuhan ko at namimigay kami ng libreng pagkain.” Tinuro niya ang dilaw na bahay na may asul na bubong. “Sana makadaan ka doon.” Tiningnan lang ni Magozwe ang mama at ang bahay. “Titingnan ko,” sabi niya sabay talikod.

有一天,天气很冷,玛格威站在街头乞讨。一个男人走过来,跟他打招呼:“你好,我叫托马斯。我在这儿附近工作,你可以到那儿拿点吃的。”他指着一座蓝顶黄墙的房子,“我希望你别客气,到那儿去拿点吃的吧!”玛格威看了看男人,又看了看房子,说:“可能吧!”然后他就走开了。


Unti-unting nasanay ang mga batang kalye kay Tomas. Mahilig makipagkuwentuhan si Tomas sa kanila. Gusto niyang marinig ang istorya ng kanilang buhay. Pasensiyoso, seryoso at magalang–ganun si Tomas. Nagsimulang pumunta ang ibang bata sa dilaw at asul na bahay tuwing oras ng tanghalian.

接下来的几个月,流浪的男孩们渐渐认识了托马斯。他喜欢跟人聊天,特别是无家可归的人。托马斯听别人讲他们的故事。他不苟言笑,非常耐心、有礼貌,尊重他人。一些男孩开始在白天去蓝顶黄墙的房子里找吃的。


Isang araw, nakaupo si Magozwe sa bangketa habang nakatingin sa kanyang libro. Tumabi si Tomas, “Ano ang kuwento ng libro?” tanong niya. “Tungkol sa isang bata na naging piloto,” sagot ni Magozwe. “Anong pangalan niya?” tanong ni Tomas. “Hindi ko alam, e. Hindi ako marunong magbasa,” sabi ni Magozwe.

有一天,玛格威正坐在人行道上看故事书,托马斯来了坐在他旁边。托马斯问:“这本书讲了什么故事?”玛格威回答说:“这是关于一个男孩成为飞行员的故事。”托马斯问:“男孩叫什么名字?”玛格威声音低了下去:“我不知道,我不识字。”


Sinabi ni Magozwe ang kuwento ng kanyang buhay kay Tomas. Kinuwento niya ang tiyo at kung bakit siya naglayas. Tahimik lang na nakinig si Tomas sa lahat ng sinasabi ni Magozwe. Naging madalas ang kuwentuhan nila. Isang araw, nag-usap sila habang kumakain sa loob ng bahay na dilaw at asul.

当他们再次见面的时候,玛格威开始跟托马斯讲自己的故事,他的叔叔怎么对他,他怎么逃离了叔叔家。托马斯没说什么,也没有告诉玛格威该怎么做,但是他听得很仔细。有时候他们会一边在蓝顶黄墙的房子里吃东西,一边聊聊天。


Sa ika-sampung kaarawan ni Magozwe, binigyan siya ni Tomas ng bagong libro. Ito rin ay puno ng larawan at ang kuwento ay tungkol sa isang batang taga-nayon na naging tanyag na manlalaro ng soccer. Madalas pinapabasa ni Magozwe kay Tomas ang libro kaya sabi ni Tomas, “Panahon na para matuto kang magbasa. Kailangan mo na pumasok sa eskuwela. Ano sa palagay mo?” Dinagdag ni Tomas na may mga bahay na tumatanggap at nagpapa-aral sa mga batang kalye.

玛格威十岁生日的时候,托马斯给了他一本新的故事书,这是关于一个乡下男孩成为足球运动员的故事。托马斯给玛格威讲过这个故事很多次。有一天,托马斯说:“我觉得你应该去上学,去识字。你觉得呢?”托马斯说他知道一个地方,孩子们可以住在那儿,上学。


Nag-isip si Magozwe nang matagal. Paano kung tama ang sabi ni tiyo? Paano kung totoo ngang bobo siya? Paano kung mabugbog siya uli? Natakot si Magozwe. “Mas ok na siguro ako dito sa kalye,” sabi niya sa sarili.

玛格威想了想去新地方生活,上学。但是,如果他叔叔说得对,他太笨了上不了学怎么办?如果在新的地方,他又要挨打怎么办?他有点儿害怕,心想:“也许我注定就要睡在马路边。”


Nabanggit niya kay Tomas ang kanyang mga takot. Tinulungan siya ni Tomas na magtiwala uli at umasa na magiging maayos ang lahat.

他把自己的想法告诉了托马斯。托马斯对他循循善诱,终于说服了玛格威,他在新地方一定会过上更好的生活。


Isang araw, lumipat na nga si Magozwe sabay ng dalawang batang lalaki sa isang bahay na berde ang bubong. Sampu lahat ang mga batang alaga ni Tita Cissy at asawa nito. Meron din silang tatlong aso, isang pusa at isang matandang kambing.

玛格威搬到了新家,新家的屋顶是绿色的。他和两个男孩住一间房间。屋子里还住着其他十个孩子。和他们住在一起的是茜茜阿姨和她的丈夫,还有三只狗,一只猫,一头老山羊。


Nagsimulang mag-aral si Magozwe at sa una medyo nahirapan siya. Naisipan niya minsan na sumuko. Pero naaalala niya ang piloto at ang soccer player sa libro at nabubuhayan siya uli ng loob.

玛格威开始读书,他遇到了不少困难,很难赶上他的同学们,有时候他差点就要放弃了。但他每次想起故事书里的飞行员和足球运动员,他都坚持了下来,就像他们一样。


Isang araw, nakaupo si Magozwe sa harap ng bahay nagbabasa ng libro. Dumating si Tomas, “Ano ang kuwento ng libro?” “Tungkol sa isang bata na naging titser,” sagot ni Magozwe. “Ano’ng pangalan ng bata?” tanong ni Tomas. “Magozwe,” sagot ni Magozwe na may ngiti.

有一天,玛格威正在屋子后院里看书,托马斯来了,坐在他旁边:“这本书讲了什么故事?”玛格威回答说:“这是关于一个男孩变成老师的故事。”托马斯问:“那个男孩叫什么名字?”玛格威咧嘴一笑:“他叫玛格威。”


作者: Lesley Koyi
插图: Wiehan de Jager
译文: Arlene Avila
配音: La Trinidad Mina
语言: 菲律宾语
级别: 5级
出处: 原文来自非洲故事书Magozwe
共享创意授权条款
本着作系采用共享创意 署名 4.0 未本地化版本授权条款授权。
读多啲5级故事:
选项
返回故事列表 下载 PDF