下载 PDF
返回故事列表

Bakasyon sa bahay ni Lola 和奶奶一起过暑假

作者 Violet Otieno

插图 Catherine Groenewald

译文 Arlene Avila

配音 La Trinidad Mina

语言 菲律宾语

级别 4级

将整故事念出来

播放速度

自动念故事


Nakatira si Odongo at Apiyo sa lungsod kasama ang kanilang tatay. Gustong gusto nila ang bakasyon hindi lang dahil walang pasok, pero dahil dinadalaw nila ang kanilang lola na nakatira sa palaisdaan malapit doon sa malaking lawa.

欧东格、阿皮尤和他们的爸爸一起生活在城市里。他们非常期待过暑假,因为那个时候他们不用去学校,而且他们还可以去看奶奶。他们的奶奶住在一个渔村里,靠近一片很大的湖泊。


Masaya sina Odongo at Apiyo na malapit na nila makasama si lola. Sa gabi pa lang, naka-impake na ang mga damit at nakahanda na ang lahat para sa biyahe. Hindi sila makatulog sa tuwa kaya buong gabi silang nagkuwentuhan.

欧东格和阿皮尤又要去看奶奶了,他们非常高兴。前一天晚上,他们整理好了自己的行装,准备踏上前往渔村的旅程。他们晚上睡不着,整晚都在讨论这个暑假。


Kinaumagahan, hinatid sila ng kanilang tatay papunta sa lola. Dumaan sila sa mga taniman ng tsaa at mga bundok na may ligaw na hayup. Binilang nila ang mga sasakyang dumaan at nagkantahan din sila.

第二天凌晨,他们坐着爸爸的车前往那个渔村。他们开过了山丘,路上看到了很多野生动物,经过了几个茶园。他们唱着歌数着路上的车辆。


Di nagtagal, napagod ang dalawa at nakatulog ng mahimbing.

过了一会儿,孩子们累了,就在车里睡着了。


Ginising sila ng tatay nung makarating sila sa nayon. Nakita nila si Lola Nyar-Kanyada na nagpapahinga sa ilalim ng puno. Sa Luo, ang ibig sabihin ng Nyar-Kanyada ay “anak ng mga tiga-Kanyada.” Maganda at matatag na babae ang lola ni Odongo at Apiyo.

当他们到达那个渔村的时候,爸爸把欧东格和阿皮尤叫醒了。他们发现他们的奶奶——尼亚·坎亚达——在树荫里铺了一块垫子,正坐在上面休息。在当地的语言里,这个名字的意思是“坎亚达人民的女儿”。她是一个坚强美丽的女性。


Sumayaw at kumanta sa tuwa si Nyar-Kanyada nang dumating ang mga apo. Nag-uunahan sa pagbigay ng pasalubong sina Odongo at Apiyo. “Buksan po ninyo, bilis,” sabi ni Odongo. “Akin muna unahin ninyo,” sabi ni Apiyo.

尼亚·坎亚达欢迎他们来到自己的家里,和他们一起快乐地唱歌跳舞。他们的孙子也很高兴地把他们在城里买的礼物送给她。欧东格和阿皮尤吵着要奶奶先打开自己的礼物。


Pagkatapos mabuksan ang mga pasalubong, pinagmano ni Nyar-Kanyada ang mga apo.

尼亚·坎亚达打开了礼物后,用传统的习俗祝福了她的孙儿们。


Naglaro agad sa labas sina Odongo at Apiyo. Nakipaghabulan sila sa mga paru-paru at mga ibon.

欧东格和阿皮尤跑出去玩儿了,他们追着蝴蝶和鸟儿,在它们后面跑。


Inakyat nila ang mga puno at nagtampisaw sa lawa.

他们还爬树,跳进湖里,溅起了很多水花。


Bumalik lang sila sa bahay ng lola nung malapit na maghapunan. Hindi pa man natatapos kumain, nakatulog na sila!

天黑了,他们回到奶奶的家里吃晚饭,但他们太累了,还没吃完,就睡着了。


Kinaumagahan, bumalik sa lungsod ang tatay at naiwan sina Odongo at Apiyo kay Nyar-Kanyada.

第二天,爸爸开车回城了,把孩子们留给奶奶。


Tumulong sila sa mga gawaing-bahay ng lola. Nag-igib sila ng tubig at nag-hanap ng panggatong. Inipon nila ang mga itlog sa manukan at nanguha ng gulay sa gulayan.

欧东格和阿皮尤帮助奶奶做家务。他们帮奶奶拎水,运柴。他们还帮奶奶从鸡窝里拿鸡蛋,在花园里摘蔬菜。


Tinuruan din sila ni Nyar-Kanyada kung paano magluto ng stew. Pinakita pa ng lola kung paano gumawa ng ginataang kanin at inihaw na isda.

尼亚·坎亚达教他们煮乌咖喱,还教他们怎么做和烤鱼一起吃的椰子饭。


Isang araw, dinala ni Odongo ang mga baka sa bukid ng kapitbahay. Kinain ng mga baka ang damo at nagalit ang may-ari. Nagbanta siyang kukunin ang mga baka bilang kabayaran pero nangako si Odongo na hindi na uulit.

一天早上,欧东格帮奶奶去牧场上放牛,但是牛跑到了邻居的农场上,邻居很生气,威胁欧东格说,要没收了这些牛作为踩坏粮食的赔偿。从那天以后,欧东格很小心,不想再让这些牛惹麻烦了。


Isang beses, sumama ang magkapatid sa palengke. May tindahan pala ng gulay, asukal at sabon si lola. Si Apiyo ang tigasabi ng presyo at si Odongo naman ang tigabalot ng mga binili.

有一天,孩子们和尼亚·坎亚达一起去集市上。奶奶有一个卖蔬菜、糖和肥皂的摊位。阿皮尤给顾客们报价钱,欧东格帮着顾客打包。


Nang maubos lahat, uminum silang tatlo ng tsaa at binilang ang perang kinita.

这天的工作结束后,他们坐在一起喝茶,帮奶奶数了数这天赚到的钱。


Di nagtagal, natapos ang bakasyon. Nag-impake ng gamit ang magkapatid. Binigyan ni Nyar-Kanyada si Odongo ng sombrero at pangginaw naman ang para kay Apiyo. Naghanda rin siya ng makakain nila sa biyahe.

很快,假期就结束了,孩子们要回城了。尼亚·坎亚达送给欧东格一顶帽子,送给阿皮尤一件毛衣。她帮孩子们装了点食物在路上吃。


Dumating ang tatay para sunduin sila pero ayaw sumama ng magkapatid. Nagmakaawa sila kay Nyar-Kanyada na tumira na lang sa lungsod. “Matanda na ako. Hindi ko na kaya ang buhay sa lungsod. Hihintayin ko na lang kayo sa sunod na bakasyon.”

当爸爸来接他们的时候,他们一点儿都不想走。孩子们求尼亚·坎亚达和他们一起去城里。她笑着说:“我太老了,不适合住在大城市里。我就在这个村子里面等你们,等你们下次再来。”


Mahigpit na niyakap ni Odongo at Apiyo ang lola.

欧东格和阿皮尤紧紧地抱着她,跟她告别。


Kinuwento nina Odongo at Apiyo sa kanilang mga kaibigan ang lahat. Sabi ng iba mas gusto pa rin nila ang buhay sa lungsod. Sabi naman ng iba, mas maganda talaga sa nayon. Pero lahat sila sang-ayon na walang hihigit pa kay Lola Nyar-Kanyada!

当欧东格和阿皮尤回到学校时,他们把村子里的生活告诉了伙伴们。一些人觉得城市生活很不错,另一些人觉得乡村生活更好。最重要的是,每个人都相信欧东格和阿皮尤的奶奶太棒啦!


作者: Violet Otieno
插图: Catherine Groenewald
译文: Arlene Avila
配音: La Trinidad Mina
语言: 菲律宾语
级别: 4级
出处: 原文来自非洲故事书Holidays with grandmother
共享创意授权条款
本着作系采用共享创意 署名 4.0 未本地化版本授权条款授权。
选项
返回故事列表 下载 PDF