تحميل بصيغة PDF
العودة لقائمة القصص

Si Nozibele at ang Tatlong Hibla ng Buhok نوزيبال والشعرات الثلاث

كُتِب بواسطة Tessa Welch

رسمة بواسطة Wiehan de Jager

بترجمة Arlene Avila

قرأه La Trinidad Mina

لغة التاغالوغية

مستوى المستوى 3

سرد للقصة كاملة

سرعة القراءة

تشغيل تلقائي للقصة


Noong unang panahon, may tatlong batang babae na naghanap ng panggatong.

يحكى في قديم الزمان أن ثلاث فتيات قصدن الغابة لجمع الحطب.


Pinawisan sila dahil sa init ng araw kaya naisipan nilang maligo sa ilog. Tuwang-tuwa sila sa paglaro, pagtampisaw at paglangoy.

كان اليوم حارا فنزلت الفتيات الثلاثة إلى النهر ليستحممن. فلعبن وسبحن ونثرن الماء هنا وهناك.


Bigla nilang naalala na malapit na gumabi. Kaya dali-dali silang bumalik sa nayon.

وفجأة انتبهن إلى أن الوقت قد تأخر بهن فأسرعن بالعودة إلى القرية.


Nung malapit na sila makarating sa bahay, kinapa ni Nozibele ang leeg niya. Naiwan pala niya sa may ilog ang kuwintas! “Samahan ninyo ako! Balik tayo dun!” nagmakaawa siya. Pero hindi pumayag ang mga kaibigan dahil malapit na gumabi.

وعندما شارفن على بلوغ منازلهن رفعت نوزيبال يدها إلى رقبتها فتفطنت إلى أنها نسيت عقدها عند النهر. توسلت نوزيبال إلى صديقتيها بأن يرجعا معها إلى هناك لكنهما رفضتا لأن الوقت كان متأخرا.


Mag-isang bumalik si Nozibele sa ilog. Nakita niya ang kuwintas at agad bumalik pauwi. Pero naabutan siya ng dilim at nawala siya dahil di nya makita ang daan.

رجعت نوزيبال بمفردها إلى النهر. وجدت عقدها هناك فأخذته وقفلت مسرعة إلى البيت. غير أنها أضاعت طريقها لأن الظلام كان قد أسدل ستاره على المكان.


Sa di kalayuan, may nakita siyang ilaw sa isang bahay. Nilapitan niya ang kubo at kumatok sa pinto.

رأت نوزيبال ضوءا ينبعث من كوخ من بعيد فأسرعت إلى الكوخ وطرقت الباب.


Bumukas ang pinto at nagulat siya sa nakita. Isang asong nagsasalita! “Anong kailangan mo?” “Nawawala ako at kailangan ko ng matutuluyan,” sagot ni Nozibele. “Tuloy ka at baka kita kagatin!” sabi ng aso, kaya pumasok si Nozibele.

وكم كانت مفاجأتها كبيرة عندما فتح الباب كلب وقال لها: “ماذا تريدين؟” أجابت نوزيبال: “لقد أضعت طريقي وأنا بحاجة لمكان أنام فيه”. فقال الكلب: “ادخلي، وإلا قمت بعضك”. فدخلت نوزيبال الكوخ.


“Ipagluto mo ako!” utos ng aso. “Hindi ako marunong magluto,” sagot ni Nozibele. “Kung hindi ka magluluto, kakagatin kita!” Kaya nagluto si Nozibele ng makakain ng aso.

ثم قال الكلب: “هيا اطبخي لي طعاما”، أجابت نوزيبال: “أنا لم أطبخ لكلب قط من قبل”، لكن الكلب أصر: “هيا…اطبخي وإلا قمت بعضك”. انصاعت نوزيبال لأمر الكلب وطبخت له طعاما.


“Ayusin mo ang kama ko!” utos ng aso. “Hindi ko alam kung paano ayusin ang kama para sa isang aso,” sagot ni Nozibele. “Kung ayaw mong ayusin ang kama ko, kakagatin kita!” banta ng aso. Kaya inayos ni Nozibele ang kama nito.

ثم قال الكلب: “رتبي لي فراشي”. أجابت نوزيبال: “لكني لم أرتب فراشا لكلب قط من قبل”. أصر الكلب: “حضري لي الفراش وإلا عضضتك”. عندها رتبت نوزيبال له الفراش.


Araw-araw, nagluluto, naglilinis at naglalaba si Nozibele para sa aso. “Sasaglit lang ako sa mga kaibigan ko. Pagbalik ko, dapat tapos ka na maglinis, magluto at maglaba.”

وأصبحت نوزيبال تطبخ وتكنس وتغسل للكلب كل يوم. وذات يوم من الأيام، قال الكلب لنوزيبال: “نوزيبال، سأذهب اليوم لزيارة بعض الأصدقاء، عليك أن تكنسي المنزل وتطبخي الطعام وتغسلي ثيابي قبل أن أعود”.


Pagkaalis ng aso, bumunot si Nozibele ng tatlong hibla ng buhok sa kanyang ulo. Nilagay niya ang sa sa ilalim ng kama, isa sa likod ng pinto at isa sa kural. Saka siya kumaripas ng takbo pauwi.

وبمجرد أن غادر الكلب الكوخ، قطعت نوزيبال ثلاث شعرات من رأسها ووضعت واحدة تحت السرير وواحدة وراء الباب وواحدة على سور الكوخ وجرت مسرعة إلى بيتها.


Pagbalik ng aso, hinanap niya si Nozibele. “Asan ka, Nozibele?” “Andito ako sa ilalim ng kama,” sabi ng unag hibla. “Andito ako sa likod ng pinto,” sabi ng ikalawa. “Andito ako sa kural,” sabi ng ikatlo.

وعندما رجع الكلب إلى كوخه طفق يبحث عن نوزيبال: “نوزيبال، أين أنت”؟ أجابت الشعرة الأولى: “أنا هنا، تحت السرير”، وقالت الشعرة الثانية: “أنا هنا وراء الباب”. وقالت الشعرة الثالثة: “أنا هنا على سور الكوخ”.


Saka lang naisip ng aso. Naisahan siya. Tumakbo siya papunta sa nayon. Pero naghihintay sa kanya ang tatlong kapatid na lalaki ni Nozibele. May dala silang malalaking patpat kaya tumakas ang aso at hindi na uli nagpakita kailanman.

عندها عرف الكلب أن نوزيبال قد خدعته، فانطلق مسرعا نحو القرية، لكن إخوة نوزيبال كانوا بانتظاره وبأيديهم عصا غليظة. خاف الكلب فرجع أدراجه وأطلق أقدامه للريح ولم يره أحد منذ ذلك اليوم.


كُتِب بواسطة: Tessa Welch
رسمة بواسطة: Wiehan de Jager
بترجمة: Arlene Avila
قرأه: La Trinidad Mina
لغة: التاغالوغية
مستوى: المستوى 3
المصدر: Nozibele and the three hairs از القصص الأفريقية القصيرة
رخصة المشاع الإبداعي
تحت مجوز المشاع الإبداعي نَسب المُصنَّف 3.0 دولي کریتز کامنز به نشر رسید.
خيارات
العودة لقائمة القصص تحميل بصيغة PDF